Tuesday, September 28, 2010

Worries.

Wala namang masama kung isusuko ko na ang laban. Nahihirapan na din kasi ako. 

Ewan. Naguguluhan ako. Nahihirapan. ):

Thursday, September 23, 2010

Foundation Week.

Foundation week ng school. Dame events. Masaya naman. No classes ee. Pero dami din gagawin. Feasibility study na! Production at script sa isang subject at pre-finals sa tax integ. (:

Kaya ito chill muna. Gawa lang folio. Haha.

Makabali lang ng leeg. Haha. :D

Saturday, September 18, 2010

Happy Party.

Ayun.

Masaya ang araw ko ngayon. Okay na ang section namen sa prof namen. Wala ng kaba kaba or what. Mapayapa na Friday at Saturday class.

Birthday ni ma'am kanina. Ang sarap ng pagkain. The best ang spaghetti. Nakakatuwa din yung mga intermission number. Unexpected yung mga nagpakita ng talent. Pero syempre tropa pa rin namen ang bida sa talent. Hahaha. Ang kakapal kasi ng mukha namen. Buti hindi nakapagdeclaim. Haha. Nakakahiya kaya!

Anyways, mag-aaral na muna ako sa tax ngayon. Tapos tuloy na rin yung report ko sa AudProbs bukas. Pero hindi na ako kabado. Yey!

Makaligo nga pala muna. Ang ineet ee. Haha. (:

Wednesday, September 15, 2010

Here we go again.

AudProbs. Here we go again. :|


OH My! Here we go again! Need to read my books again. I have my reporting in Auditing Problems. HEAD ACHE! ):


Anyways, I believe I can do it! (:

Friday, September 10, 2010

Digital Make-Up

Wala lang ako magawa ngayong madaling araw.

1. Nagworkout ako ng 12am-1am. 6routines din yun. 3 sets. 10repeats. haha.
2. Kumaen ng marami after mag night workout.
3. Nag-aral ng vector art pero dinugo ilong.
4. Nauwi ako sa digital make-up. haha

                                                Model: Rashi Salariosa
                                                             Edited By: Roy Cirera
                                                  Digital Make-Up: Jhon Alvin Deniega

Ayun. Pasensya na kung panget ang color combination. Aminado naman ako na mahina ako sa color combination. Inaaral ko pa sya hanggang ngayon. Next sisispagin ko yung Vector. 

Sa ngayon matutulog na ako. Bukas Academics naman ang paglalamayan ko. (:

Sunday, September 5, 2010

Hell week is over!

Yey!


Hell week is over. (:

Thank you Lord for the Wisdom and for guiding me while I'm answering my test-papers. I have these feeling that I gonna pass all my exams. 


-Business Law
-Financial Management
-Auditing Problems


I'll warn you! I gonna hit those scoreboards once again. (:


And oh! Taxation be ready! I'm your greatest nightmare. BELIEVE ME! >:)

Wednesday, September 1, 2010

Taxation is Hell.

That's all Thank You !! (:

It's BER month.

They say BER month is Christmas Month and no doubt about it. But at this stage I can't feel it. Maybe because I'm so busy with my academics. I'm preparing myself for our midterm departmental examination. Nevertheless I should feel the spirit of Christmas by passing the exams. Hahaha. ((:


Play that Christmas song baby! <3

Tuesday, August 31, 2010

Business asusual. (:

Ayun.

Nakakatuwa yung mga Inquiries sa OneRed. Anyway, I'll be back on business after this hell week. Godbless.


Help me Lord face life with courage and bless everything that I do.




^___________________^

I'm Dead.

See you in Heaven.

Im Stucked. ):

I'm stuck here with my books.

I'm gonna DIE !!!

SHUT UP ! SHUT UP BOTH OF YOU !!! (:



Messy study area.
Messy Life.
Messy Me.


Saturday, August 7, 2010

Birthday Mess.

2weeks straight. Great Depression.

Matatapos na ang week na ito pero wala paring magandang nangyari. Tapos na din ang Birthday ko pero parang wala lang. Birthday Mess lang inabot ko.

Akala ko goodvibes na ako sa birthday ko. First class ko sa FM subject ko. Halos hindi na ako nakinig sa discussion ng prof ko since nirerecheck lang naman nya yung major exam namen. Eh diba nga delubyo na yung score ko dun kaya hindi na rin ako nag aksaya ng oras para maghanap ng correction. Ganun din naman. Sasayangin ko lang oras ko. Mas pinili ko nalang magreview para sa Auditing Problem exam namen.

Hindi naman ako kinabahan sa exam nung una pero nung makita ko na yung mga problems sa questionnaire naiyak nalang ako. Halos wala akong maisagot. Nag aral naman ako. Kaso masyadong comprehensive yung mga problems. Beyond the usual thing. Beyond my expectations. Halos lahat naman kami admitted na walang sagot. Tanggap na na mag re-range lang sa 0-5 ang score sa 2 quizzes.

2 exams for three hours + comprehensive problems = FAILURE !!!

After ng exam lumabas nalang ako sa room ng parang wala lang. Lumong lumo ako. Hindi nga ako nagsalita after ng exam eh. Kinamusta na lang ako ng mga kaibigan ko pero wala pa rin akong sinasagot. Okay naman sana saken kung zero or bagsak ako dun eh ang kaso lang naman is bakit nasabay pa sa birthday ko ang kamalasan na yun.

FM exam + Audprobs 2quiz = ANOTHER FAILURE !!!

Lahat failure. Hindi ko magawang humalakhak sa birthday ko. Walang dahilan. Lahat basura.

Eto nalang sinulat ko sa worksheet ko.

Life is but a dream and I need that bright side. ):

This is my birthday quiz. A birthday mess. ):
Law Class. Hiatus.

Friday, August 6, 2010

Happy Birthday.


Supposedly, dapat masaya ako ngayon kasi birthday ko. 21 years old na ako. Debut ko. Pero halos hindi ko naman maramdaman.

Hindi ko alam kung paano ko maitatawid ang week na ito ng masaya. Grabe. Ang hirap.

Monday - Sakto lang. Wala akong pasok. Pero stress ako sa last two days ng departmental exams namen. Kinakabahan sa results.

Tuesday - Start of great depression. Result is on the board. Three major exams pero isa lang naipasa ko. Pero hindi naman ako nalungkot. Law lang naipasa ko. Yung auditing naman halos muntik ng maipasa. 74% lang ako dun. At ang pinakadelubyo kong result is yung exam ko sa Financial Management. Ang sarap isumpa. Nahihirapan na akong pumasa sa course ko. 65% ang passing rate sa mga major subjects ko. 75% naman sa mga integration or review subjects ko. Pag over 50 ang exam kelangan 33 ang score mo sa 65%. 38 naman pag sa 75%. Halos gusto ko ng
umuwi nung nakita ko score ko sa Financial Management. Super na down ako. Halos hindi nga ako ginanahan sa birthday celebration ko nun sa timog at west ave right after nung class.

Wednesday - Walang akong pasok. Binabangungot pa din ako ng score ko.

Thursday - Mas nawawalan ako ng gana dahil friday na kinabukasan.

Friday - Birthday ko. Pero nahihirapan akong mag smile. Maraming gagawin s araw na ito. First class is yung Financial Management. Hindi ko alam kung paano ako papasok sa subject na yan. Last class ko naman is yung Auditing Problems. May quiz naman ako dun. Galit pa yung prof namen samen.

Saturday - Tax subject ko naman. Integration time. Takot ako kung papasa ba ako sa 75% passing rate dun.

Sunday - Celebration ng birthday ko with the family. Sana maenjoy ko.

Eto. Nag aaral ako ngayon para sa exams bukas. Super stress out na talaga ako. Naprepressure na din ako in a way dahil sa mga relatives ko na umaasa sa graduation ko. Ang hirap dalhin ng expectations nila. Kaya super aral ako ngayon. Dahil na din ayaw ko ng maulit yung scor
e ko sa FM subject ko. Pero nahihirapan ako. Naiiyak na lang ako sa mga nangyayari. Konti nalang susuko na ako. Pero pinapatibay ako ng mga kaibigan ko na nasa paligid ko. Sana lang kayanin ko pa. Isang taon na lang naman. Kaso hindi ganun kadali bago matapos.

Buti nalang nainspire ako dun sa message saken ng isa sa mga ka-SC ko. Tama nga. Minsan mahirap maging malungkot dahil may mga taong gusto at sanay na nakikita kang masaya at tumatawa. :D
Huwag mong kalimutang maging masaya. -DK Ringon. (:

Sunday, July 18, 2010

Nothing Compares.


Ayun. Natuluyan na nga talaga ako.

Masama na pakiramdam ko nung friday palang. Hindi ko alam kung dahil sa pansit o dahil sa antibiotic na ininom ko. Saturday, natuluyan na talaga yung sipon ko. Malas. Super hirap na ako nung saturday. Plano ko na ngang umuwi after ko magquiz. Pero birthday kasi ng tropa ko. Birthday ni Ron. Nakakahiya naman kung hindi ako pupunta. So naisip ko magcheck in nalang sa hotel para hindi narin ako mahassle pag uwe after ng birthday. Tsaka para na rin malagay yung sandamakmak kong gamit.
Kapag Special sayo i-Victoria Court mo. (:

3am na sila natapos sa inuman nila. Syempre nanuod lang ako. Nahirapan pa nga ako makisaya sa kanila kasi sobrang lamyang lamya na ako. Idagdag mo pa yung mga nagyoyosi na lalong nagpahirap sa paghinga ko. Pero ayos lang. Tiniis ko nalang. Nothing compares ee.

After ng kasiyahan naghanap na kami ng hotel. Actually first plan ko is ako lang. Kaso gusto sumama ng tatlo kong kaibigan. Dahil love ko sila, hindi ko rin sila natiis. Kahit medyo namahalan ako sa ginastos ko ayos lang. Nothing compares naman ee.

Halos mga 4am na naghahanap pa rin kami ng hotel na matutulugan. Puno kasi lahat. Kamalas malasan pa eh naiwan ko yung wallet ko sa kabayan hotel buti nalang coin purse lang yun. Pero nalungkot ako kasi nandun yung mech pen ko. Idagdag mo pa yung malas na nangyari sakin before nun. Naiwan ko yung packlunch ko sa school nung lunchbreak namen. Grabe BV. Pero smile pa din. Nothing compares naman ee.

Finally mga 4.15am nakahanap na kami ng matutulugan. Sa victoria. 2rooms ang nirent ko since apat kame. Ako mag isa sa isang room tapos tatlo sila sa kabilang room. Medyo hindi na ako nakapagbonding sa kanila kasi super antok na ako dahil sa saket ko. Pagkagising ko ng mga 6.45am medyo mabigat yung pakiramdam ko. Dahil na rin siguro natulog ako ng nakahubad habang nakabukas yunga aircon. Pinili kong maligo pero mukhang lalong nakasama. 8am na kame ng check out sa hotel. Medyo pagod pa sila since nag enjoy muna sila sa kwarto nila not unlike me na natulog agad. Nothing compares ee.

9am na ako nakauwi sa bahay. Kamalas malasan pa ulit kasi kung kelan antok na antok pa ako eh tsaka naman binabaklas yung aircon ng kwarto. Hindi ako makatulog kasi ang kalat sa kwarto at maingay. Mga 10.30am na ako nakatulog. 5pm naman ako nagising. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko paggising ko. 41 degree celcius na pala ang lagnat ko. Pero ayos lang din. Nothing compares naman ee.

Masaya ako kasama mga kaibigan ko. Hanggat maari gusto ko nasasama ko sila sa mga best moments ng buhay ko. Kaso malapit na birthday ko. At nag eexpect sila ng isang celebration. Medyo mag iiba kasi ako ng birthday celebration ko ngayon ee. Debut ko kasi and I plan na magcelebrate mag isa. Away from the city. Time para sa sarili ko. Pero hindi ko alam. Nothing compares kasi pag kasama ko sila. (:

Friday, July 16, 2010

Sick.

Okay naman sana ako kanina but not until I take that medicine.

Actually marami sana akong ikwekwento ngayong gabi sa blog. Kaso naiba ang ihip ng hangin sa katawan ko. May exam kami bukas at nakaschedule ako mag aral ngayon kaso mukhang hindi matutuloy. Masakit kasi lalamunan ko kanina habang nasa last class ako sa school. So naisip ko na tonsilitis lang to kasi yung naman talaga lagi kong sakit. And dahil na din kasi marami akong kinaing matatamis kagabi habang nagrereview ako. Pero pwede rin na masakit lang yung lalamunan ko kasi sisipunin lang ako. But i still choose to take that medicine. Yung gamot ko sa tonsilitis ko. Kumaen naman ako. Pansit nga lang. Pero wala pang minutes pinagpawisan na ako, nahilo at maya maya nagsuka. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko dahil yun sa gamot na ininom ko. Siguro nga hindi to tonsilitis. Mali ata ako ng nainom na gamot. Mukhang sumaket lang tong lalamunan ko kasi sisipunin ako.

Sa ngayon, hindi pa rin okay yung feeling ko. Nanghihina pa din ako. Nanlalamya. Bahala na. Bukas nalang siguro ako mag aaral. Baka dahil lagi na rin akong puyat. :|



Camera Sick.

Thursday, July 15, 2010

In the Making.

Just woke up.

How's everyone? Mukhang balik na sa normal ang lahat. Maayos na ata ang panahon sa labas. Sakto. Mahangin pa rin ata. Pero hindi pa rin bumabalik sa dati ang katawan ko. Tamad pa rin. Siguro dahil lagi akong puyat. Kakaiba ang madaling araw ko kanina. May katext ako tapos nainlove ata. Okay na sana kaso lang lalaki. Ano ba yun. Anyway, yun lang muna maisheshare ko. Kakain na kasi ako. Mag aaral pa kasi ako ng Law.


Magkano na ba to sa market?
Nikon D3000
Isa sa mga wishlist ko ngayon debut ko. (:

Wednesday, July 14, 2010

It's killing me like HELL.

Super hindi ko maintindihan ang feeling ko ngayon. Walang kuryente simula kagabi. Badtrip pa ako kasi hindi ako nakapanuod ng balita. Late na din ako nakatulog kasi sobrang init. Tapos ang aga ko pa nagising. Super pagod ang pakiramdam ko ngayon. Tapos wala pang magawa kasi hanggang ngayon wala pa ring reception yung cable. Utang uta na ako sa FB.

And it's killing me like HELL.

Tuesday, July 13, 2010

Confessions.

Nakakatuwa tong araw na to dahil sa napakaraming bagay.

Una. Dahil sa umuulan kaya masaya ako. Malamig kasi. Walang hassle. At dahil mahina ang tolerance ko sa init kaya ko naeenjoy ang mga ganitong panahon.

Pangalawa. May confession na sinabi ang friend ko kanina sa cafeteria habang break namin. Sorry pero hanggang dun lang yung pwede kong ishare. Masyado kasing "PRIVATE." Anyway, wala rin naman nagbago sa pagtingin ko sa kanya as a friend. Sanay na ako sa mga ganung eksena ng buhay. Hindi na ako virgin sa ganoong mga kwento.

Pangatlo. Nakakatuwa yung Law Time namin kanina. Naenjoy ko yung mga bagong info na nalaman ko sa Tax Organization and most especially ang kwento ng mga Batangueno. Haha.

Pang-apat. Natapos ko na yung mga teasers na ginawa ko sa photoshop para sa plano kong something para sa family. Abangan nalang nila kung para saan yun. (:

Pang-lima. May nag invite sa akin as a friend na Deniega din ang surname. And ang mas kinatuwa ko dun is BS in Accountancy din sya. Atleast may karamay na ako. May makakaintindi na din ng pinagdadaanan ko. I need to know him better pa. Hindi pa kasi kame nagkakausap. Baka mas matalino pa yun sakin. EH di swerte kasi may tutor na ako. (:
Sakto yung post ko kanina. Smile lang kahit stress ka na. Tulad ngayon MASAYA ako. ^_____^


Batangueno ka ba? (:

It's Raining Men !!

GoodMorning.
Just woke up and it's raining. Ito na ba si basyang? And how true na nagchange location sya? Signal number 1 na daw sa Metro Manila? OHHHH ! This can't be. I need to rushhhhh. Baka matraffic na naman ako. See you later alligater. (:


Smile though your Stress.
Embrace Dramas.
Love Life.
Then Fly Butterfly. (:

Im a Vampire.


OH MY! I can't sleep. I'm a Vampire and I will BITE you !!
GRRR. (:

GOODMORNING FRIENDS. :D

DeMaRo Teaser.


The Dramas. The Stories. The Revelations. Unfold.
SOON.

This is what I feel right now.

This is what I feel right now. I'm fucking bored. SAVE ME !!! :|

Good Morning.

Hello.

Goodmoring lang. As usual late na naman ako nakakatulog. Ewan ko kung bakit. Pero ito na yung body clock ko. Kaya ayun naisipan kong palitan ang layout ng blogger ko. At medyo cute naman yung napili ko. Haha. Gumawa din ako ng banner ng DEMARO. Plan ko kasi gumawa ng mg stories or something. Anyway teaser palang naman yun.

SMILEEEEEEEE . ^_________________^

Monday, July 12, 2010

Awkward.

Wala naman. Galing lang ako sa birthday kanina ng classmate ko. And medyo feeling awkward ako. Alam ko kung bakit pero hindi ko pwedeng sabihin. Haha (:

Anyway Highway. Talo ang UE sa 1st game nila kahapon sa opening ng UAAP. Pero ayos lang. Sana lang wag magtuloy tuloy. Gusto ko ng Victory Party sa Field ng UE bago man lang ako grumaduate this year. Kahit yun na lang ang regalo ng UE sakin. Hahaha.

Lastly, sana manalo ang Netherlands mamaya sa Finals ng World Cup. Baka hindi ko na mapanuod kasi 2am pa yung telecast. Sana ireplay na lang bukas. Ayun. Mag-aaral na lang muna ako. Magbabasa basa lang. Boring ang Sunday saken. Ewan ko. Napapashow ako sa cam sa kabagutan. Haha. :D

a true warrior does not allow negativity and emerges out of a bad shadow.


Sunday, July 11, 2010

Hey ! What's new?

i miss my blog. i need to renovate my site. medyo inaagiw na. haha. :|

Monday, March 1, 2010

Rising above every occassion.


"the quality of a true leader is reflected by the standards they set for themselves." "those who oppose activism lives with a false consciousness of reality." napapaiyak nalang ako sa tuwing naaalala ko ang mga linyang yan. ang mga linyang nagdala sakin sa walang kasing tamis na tagumpay. ang mga linyang nagpakilabot sa mga estudyanteng kinakampanyahan ko ng mga panahong iyon. nung una akala ko hindi ko kakayanin pero ngayon parang nakukuha ko na ang tamang ritmo. isang taon na pala mula ng masungkit ko ang pinakamataas na posisyon na tinakbuhan ko sa konseho. walang kasiguraduhan ang lahat kung ano ang kahihinatnan ng aking kandidatura nuon. pero sabi nga nila "success is counted sweetest for those who never win." tama. sakto. yan ang naramdaman ko ng mga panahong pinapasa na sakin ang titulong presidente ng aking kolehiyo. masarap. masaya. nakakapagod. yan ang mga eksena habang ikaw ay nakaupo sa konseho at naglilingkod. dito ko naranasang sumakit ng sobra ang ulo dahil sa mga kakulangan sa pondo at syempre sa matindihang pagdedesisyon. saktong tatlong araw na lang matatapos na ang termino ko sa pagiging presidente at bababa na ako sa aking posisyon. naging isyu man ang hindi ko na pagtakbong muli bilang presidente ng central student council sa ilalim ng aking alyansang tinig ng silangan party alliance. masaya namana ako dahil alam kong sa loob ng tatlong taon ko sa oposisyon naipakita ko sa kanila na malakas tlaga ang alyansa. gusto ko rin sabihin na ang hindi ko pagtakbo ulit ay hindi nangangahulugang iniwan at bumaliktad na ako sa alyansa. nasa inyo pa din ang katapatan at pinapangako kong ipagpapatuloy ko pa din ang mga idealismo ng ating alyansa. ang hindi ko pagtakbo ay hindi rin nangangahulugan ng paghina ng ating alyansa. naniniwala ako sa kakayahan ng ating alyansa at sa lahat ng kandidato sa ilalim ng ating pangalan. sa nagkakaisang tugon party alliance naman na siyang mahigpit na kalaban ng aking alyansa. nais ko lang sabihin na natutuwa ako dahil nakilala ko kayo at nakatrabaho kahit na magkaiba tayo ng idealismo sa paglilingkod. sa mga kapwa ko presidente na nagsilbing pundasyon ng konseho. ikinagagalak ng aking damdamin ang makilala at makapagtrabaho kasama nyo. kahit na ako lang sa ating lima ang galing sa kabilang partido. kay ate mayaine na una kong naging kagaanan ng loob. hindi ko makakalimutan yung mga panahong una tayong nagkita. ikaw kasi yung nagtetext nun nuong may mga president's meeting tayong lima. kay kuya fam dahil sya yung nakasama ko sa unang project ko bilang president ng BASC. kay ate fhay dahil sya yung tumulong samen sa last project namen sa BASC. pasensya na kung nasaktan ka dun sa sinisigaw ko sa SC. hehe at kay kuya bon na talaga namang nagturo saken ng buhay at kalakaran sa SC. ang umalalay at nagbibigay ng mga payo sakin sa kung ano ang dapat kong gawin. at sa lahat ng SC OFFICERS salamat dahil kayo yung nakasama ko sa loob ng isang taon. nawalan man ako ng oras sa mga kaklase ko,, natutuwa naman ako dahil sa kabilang banda kayo yung pumalit sa mga oras na hindi ko sila nakakasama. sa lahat ng bumoto sa akin at nagtiwala. at sa lahat ng mga estudyanteng sumali at nakiisa sa bawat aktibidad na ginagawa ng BASC. sa BASC na talagang nagtiwala sa kakayahan ko kahit na alam kong napapagalitan ko sila. gusto ko lang sabihin sa inyo na sana kahit sa maikling panahon nating nagsama sana naituring nyo talaga akong presidente. sana sa pag alis ko kahit papano ay may natutunan kayo mula sa aken. at syempre hindi magiging kumpleto ang buhay SC ko kung wala si roy dahil sya yung talagang nakagaanan ko ng loob. kasama ko sa lahat ng kulitan at trip ko sa buhay. ang nakasama ko sa puyatan at buong gabing kwentuhan. isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako naiilang sa SC. super naituring na kitang totoong kaibigan. kahit anong mangyare sana magkaibigan pa din tayo. yung regalo mong artwork saken na nakaframe hindi ko yun kakalimutan. gusto ko lang din sabihin sayo na super fan mo ako sa lahat ng designs mo. basta ikaw ang kukunin kong designer ng bahay namin. thank you sa lahat. kay marge.tin.bart.sean.darcey
.frank.brell,morris.princess at francis. salamat sa inyong lahat na tumulong na maging makulay ang napakagandang break na binigay sa akin ng diyos.

-alvin deniega, basc president <3

Friday, February 5, 2010

Heartaches

Actually, wala ako sa mood magsulat ngayon sa blog. Super stress at busy ko this past few weeks. Napakadaming pressures. Una, yung three activities ng college council ko. Syempre as their president I have to make all the necessary decision. And unang una na dun is yung fund na gagamitin to pursue the activities. Thank God, nakahanap ako ng business. Malaki talaga ang maitutulong ng pagbebenta ko ng university shirt sa pagsustain sa mga events namen kahit na on the other hand personal interest ko ang masasacrifice. Syempre sa halip na saken lahat ng kita eh kailangan ko pa magshare ng certain percentage sa sarili kong council na pinamumunuan. Sa March padin kasi mag eend ang term ko. Super dami ng estudyanteng bumibili. 515 total sales sa loob ng 4days. Super in demand. Super haggard na ako sa school. Everyday lagi ng may nakaabang na mga estudyante sa pintuan ng office namen to make orders and payments. Second, yung candidacy ko for the next election. Nakapagdecide na kasi talaga ako na hindi na talaga ako tatakbo next election kaso nagdadalawang isip ako lagi dahil sa expectation na binibigay sakin ng alyansa ko. Nung previous election kasi under my alliance I won the highest position sa council, the presidency slot. Super sweet talaga ng pagkapanalo ko dun under the opposition party. After ko manalo ako na yung naging standard bearer ng alyansa. Kaya mahirap para sakin na sabihin sa kanila na hindi na ako tatakbo. Three years na din kasi ako sa alliance. Three years of bitter sweet success. At nung wednesday nga formal na akong nagpaalam sa presidential slot candidacy for the CENTRAL council, which is the biggest form of council sa school, sa alyansa. Naiyak pa ako habang naglalakad palabas ng meeting area namen after ng conversation namen with the alliance. I know in a way marami talaga ang nag expect na ako ang lalaban sa next presidential slot even yung kalabang partido. They can't deny it. Alam kong ang buong alam nila is ako din ang tatakbo. In whatever cases, patuloy padin ang service ko sa alliance na naghulma at nagdala sa akin sa rurok ng tagumpay. Sana lang hindi nila isipin na ang hindi ko pagtakbo sa posisyon ay nangangahulugang tinatalikuran ko na sila. At alam ko namang hindi nila yun iisipin dahil malaki ang tiwala ko sa kanila gaya ng tiwalang binigay nila sakin. Alam kong malaki din ang epekto ng hindi ko pagtakbo sa alyansa sa darating na eleksyon. Ipinagdarasal ko nalang na sana positibo ang maging resulta ng lahat. Hindi din naman sa pagyayabang pero para kasing halos 85% ng alliance eh buhat buhat ko kaya naman pag umalis ako medyo malaki talaga ang ipagbabago lalo na ngayon na isa nalang ang matitira sa alyansa na tatakbo sa susunod na eleksyon na may karanasan na sa konseho. Basta ang sa akin lang, I will be forever loyal to my alliance, to the ideas, and principles na nagbuklod at nagdala sa akin sa kanilang alyansa.

Thursday, January 21, 2010

Repost. Candidacy Speech ko last Election.

"the quality of a true leader is reflected by the standards they set for themselves"
Im Jhon Alvin Deniega running for the presidency for B.A student council.

If ever na kame ang mauupo sa konseho, ang TINIG ng SILANGAN PARTY ALLIANCE, tatlong bagay lamang ang sinisugurado kong mangyayare:

1. Transparency-Transparency in terms of what? In terms of accounts. Ako bilang isang accounting major ay gusto ko hanggat maari na maaccount ang lahat ng pera na dumarating sa aking konseho. Para ang 30php na binabayaran nyu sa Student Council Fund ay mabigyan ng seguridad na mapaalam sa inyo kung saan napupunta ang mga ito. Dahil hindi kaila sa ating lahat na hindi naten nakikita ang mga gastos na nakukuha ng kasalukuyang konseho.

2. Accessibility-As much as possible gusto ko ay maging accessible aku lahat ng estudyante hindi lamang sa kolehiyong kinasasakupan ko. Isa lamang akong simpleng estudyante at pag ako ay naupo sa konseho walang magbabago. Nasa corriddor padin ako at nasa labas ng Unibersidad upang makasigurado na lahat ng suhestiyon ng mga mag aaral ay mabigyang aksyon.

3. Independency-As much as possible ayaw namen na maging idependent body ang konseho meaning ayaw namen na kame lamang ang nakakaalam ng mga bagay na nagyayare sa loob ng konseho. Gusto namen na mainvolve ang mga estudyante sa mga proyektong nais nila. Hanggat maari ayaw namen na samen magmula ang mga proyekto. Nais namen na sa mga estudyante mismo magsimula ang mga gusto nilang proyekto dahil sa unang punto sila ang makikinabang sa mga ito. Nandito lamang kame upang bigyang kilos ang inyong mga proyekto.

Both parties promotes change and no doubt about it. I think the only difference between TINIG and TUGON is that we, TINIG ng SILANGAN PARTY ALLIANCE, involve ourselves in the out of schools isssues. We don't limit ourselves sa mga bagay na alam nameng kaya pa nameng gawin.

And one thing I would like to clarify is that we are not "JUST" activist. In fact there is nothing wrong against activism for as long as you know for yourself what youre fighting for. Actually those who oppose activism lives with a false consciousness of reality. Let us try to react on the things that involves us. Wag nateng sanayin ang sarili nateng makinabang sa mga bagay na hindi naten pinaghirapan. Tayo mismo ay tumulong sa pagbababgong ninanais ng lahat.

This coming March 12 go out and vote because definitely your vote will make a difference. Again, please help us, all of us, lets revive the lost SAGA of TINIG ng SILANGAN PARTY ALLIANCE, lets make HISTORY ONCE AGAIN!

Muli ako po si Jhon Alvin Deniega tumatakbong Presidente ng Business Administration Student Council sa ilalim ng partidong TINIG ng SILANGAN.

[complete campaign speech ku. pinost ku to kase inde aku nakapagcampaign sa section naten ^^.. heheh ^^ sayang inde kayu nanuod ng meeting de avance]

Nirepost ko lang. Wala lang. Sinasariwa ko lang ang mga panahong nakamit ko ang walang kasingtamis na tagumpay. Malapit na naman ulit ang susunod na eleksyon. At ayun, nangangamoy POLITICS na naman. Haha. Next ko ipopost is yung winning speech ko. Weee. <3

Tuesday, January 12, 2010

Realization.

Trust.

Wala lang. Medyo hindi lang ako makatulog. Tinatawag kasi ako ng pagsusulat. Ayun. Medyo chillax lang naman ako ngayong oras na ito. Nakikinig lang naman ako 97.1 brangay ls. Maganda naman ang topic nila ngayon. May bago kasi silang segment. Educational naman. Swear. Madami akong natutunan within 5mins. pa lang until this time. Puro facts. Sakto nga eh. Puro stress ang topic nila. Marami pa lang effects pag stress ang tao like pwede kang bangungutin, mag sleepwalk, maggrind ng ngipin habang tulog atbp. Pero sakin iba ang effect ng stress.

Stress.

Super busy ang araw ko kanina. Ang dami kong meeting na pinuntahan. Lahat importante. Walang pwedeng iboycott. Nakakauta. Pero dahil president's meeting yung pinuntahan ko syempre may free food. Love it. So back to the topic. Takte. Nawala ako sa concentration. Ang gara kasi ng topic. May nagtanong kasi na kung bakit daw every madaling araw eh tumitigas ang "stylus" ng mga boys. According dun sa doctor na guest nila "it's natural." Reaction daw talaga yun ng hormones. Second. May biglang nahulog sa likod ko. Yung mga peebles. Bigla akong natakot at naisip ko si pareng Natac. Pero natawa na lang ako bigla. So back again to the topic. Dahil nga stress ako this day ang dami dami kong naisip. Like yung pinost ko sa Facebook. Naiisip ko kasi, honestly, some people are born users. Hindi ko alam kung bakit pero I'm sure marami ang mag aagree sakin. Secondly, naisip ko iba lang yung habol ng mga tao sakin. Proven and tested. I don't know why. Pero hindi ako magpapanggap na hindi ko alam kung ano lang ang habol sakin ng mga tao. Hinahayaan ko lang sila. Pero in a way nakakairita. Siguro dahil sa taas din ng standards ng nakakabit sa pangalan ko. I admit at hindi ako nagyayabang. Yung lang kasi yung mga bagay na pwede kong ipagmalaki. Mamatay na lang sila sa inggit. Third, nakakairita din yung ibang "friends" ko. Para kasing hindi sila nagtitiwala sakin. Tested. Confirmed. Sa harap ko pa. Face to face. Parang ganito lang kasi yun. Wala rin naman akong interes na malaman kung ano man ang sikreto na pinagbubulungan nila. Pero yung fact na nag uusap sila ng isang secret tapos wala naman silang balak ishare sa iba kasi daw maingay daw ako. I admit maingay akong tao but swear to their fcuking face I can keep hell damn fcuking secrets. Pero like what I said I can't blame them. Hindi rin naman kasi ako yung tipo ng tao na mahilig magshare ng mga problema at secrets. Nakakatampo lang in a way. Syempre. After all akala mo you're "friends" talaga. Pero we're still friends naman until now. Hindi ko lang alam kung pano ko sila pakikitunguhan in that aspect. Pero atleast kilala ko na sila. Siguro i just have to learn how to play the game. Minsan may mga bagay na hindi tama pero dapat ginagawa mo. Wala din naman akong balak maging super bayani kaya once in a while ayos lang gumanti. Hindi ko lang talaga lubos maisip kung bakit may mga ganoong klaseng tao. Siguro nga hindi natin maiiwasan. We should learn how to jive with them na lang siguro. Katulad nga ng paulit ulit kung sinasabi sa sarili ko na "this is life. this is my life. and i love how life treats me." Wala akong sinisisi sa lahat. Parang nakadepende na din kasi lahat sa tao. "On how they plan to play their game." It's up to them if they want to play it dirty or clean. Well ako I plan to bite them all. Rawrr. <3

Saturday, January 9, 2010

Someday it's gonna make sense.

Life comes in many shapes
You think you know what you got
Until it changes

And life will take you high and low
You gotta learn how to walk
And then which way to go

Every choice you make
When you're lost
Every step you take
Has it's cause

[Chorus:]
After you clear your eyes
You'll see the light
Somewhere in the darkness
After the rain has gone
You'll feel the sun comes
And though it seems your sorrow never ends
Someday it's gonna make sense

Tears you she'd are all the same
When you laughed 'till you cried
Or broken down in pain

All the hours you have spent in the past
Worrying about
A thing that didn't last
Find More lyrics at www.sweetslyrics.com

Everything you saw
Played a part
In everything you are
In your heart

[Chorus:]
After you clear your eyes
You'll see the light
Somewhere in the darkness
After the rain has gone
You'll feel the sun comes
And though it seems your sorrow never ends
Someday your gonna find the answers

To all the things you've become(and all day down)
At your expense
Someday it's gonna make sense

After the rain has gone
You feel the sun comes
And though it seems your sorrow never ends
Someday it's gonna make sense
After the rain has gone
You feel the sun comes
And though it seems your sorrow never ends
Someday it's gonna make sense

Thursday, January 7, 2010

Free Day.

Break Time.

Weekdays ngayon pero day off ako sa school. No classes.

Yehey.

Nakakatuwa din minsan yung mga ganitong eksena sa buhay ng isang estudyante. Saken isang malaking pabor pero sa iba isang malaking HUWATT?!? Gets nyo ba kung bakit ganun? .. Well, personally hindi ako affected ng kung ano mang unexpected suspension ng klase dahil weekly naman ang allowance ko. Walang mawawala sakin maliban nalang sa kaalamang dapat sana matututunan ko sa araw na ito. Haha. Honestly, in a way, meron din naman akong natututunan. Ayaw ko naman maging parasite sa lipunan. Pero sa kabilang banda meron namang mga estudyante na napapahuwatt pag may ganitong eksena dahil nga sa wala silang baon. Syempre alam ko din naman ang nararamdaman ng mga yan dahil dumaan din ako minsan dyan. Nandyan yung mga eksenang magdadasal ka na sana wag malaman ng magulang mo na wala kayong pasok, magdadahilan na late magstart ang klase para di mabisto na magmamall ka lang, magtetext sa mga superfriends at mag aayang mag inuman at kung ano ano pa.

Boring.

Minsan boring din kapag walang pasok. Walang magawa sa bahay. Hindi maiwasang mautusan. Pero ako masaya naman ako pag nasa bahay. Nandito kasi halos lahat ng kinalilibangan ko. Computer, Laptop, Music, Tv, Movie, Books etc. Masarap din kahit papano sa feeling. Nakakarelax. Nakakawala ng stress. Yung mga unexpected no classes kasi para sakin is eto yung mga way na nagbibigay sakin ng time para ienjoy ko naman yung sarili ko sa bahay kasama ang aking aso at pamilya. Haha. Madalas kasi pag sabado busy ako. Minsan kasi may training ako sa volleyball at praktis ng banda. Pag sunday naman nasa mall ako namamasyal. Pag weekdays naman busy ako sa school at sa council.. No time talaga para magpahinga. Kaya yung mga ganitong chances super sinusulit ko.

LIGO TIME. =)



It's Gonna Make Sense - Michael Learns To Rock (MLTR) Lyrics Mp3 Codes