Saturday, May 31, 2008

Minsan may Isang Puta =(

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito nagkanda loko-loko ang kinabukasan ko. Halika, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman sila bilang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kasi di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong hayok na foreigners ang namiyesta sa katawan ko, na-rape ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Espanyol at Hapon. Kasi, ibang-iba talaga sya. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.Parating ang dami naming regalo - may chocolates, spam, blue seal na yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit.

Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Pero pakiramdam ko unti unti na akong nalolosyang.Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.

Putang Ina! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, malapit na akong malaspag.Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US at Europe. Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, marami rin sa mga anak ko na andito ang namamantala sa kabuhayan at kayamanan na itinatabi ko para sa kinabukasan naming lahat. Halos mahubaran na ako sa sobrang kasakiman ng aking mga anak. Ibinigay ko na ang lahat sa kanila, pero ninanakawan pa rin nila ako. Kaya dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay.

Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maging maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang tulad ko.Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako.

Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa. Ni hindi nga yata ako kinikilalang ina. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taon na darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw:

"INA NINYO AKO! MAHALIN NIYO NAMAN AKO!”

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Ako nga pala si PILIPINAS.

PLEASE REPOST OR LINK THIS ARTICLE...Kailangan po talagang mabasa at maintindihan nating lahat ang pinagdadaanan ng Inang Bayan...and sana after reading this...wag sanang manatili sa ating mga mata lamang ang ating nabasa...we have to converge and organize something like a forum or anything na pwede tayo makapag usap usap and to formulate plan of actions....."TAYO ANG MGA ANAK NI INANG BAYAN..AT KAPAG WALA TAYONG GINAWA BAKA DI NATIN NA MAMALAYAN TAYO NA MISMO ANG BUMUBUGAW SA KANYA..."

Note.
By the way I just reposted it. It's not my work. I just read it in on one site and get it. Vey inspiring. Eye opener story.

Tuesday, May 27, 2008

Dreamworks =)

Sa subdivision na tinitirhan namen isa kami sa may pinakamalaking bahay na nakatayo. May mini garden sa labas, doorbell at napakaglamorosong gate. Pagkapasok mo sa loob sasalubong sa inyong mga mata ang napakalulusog na bermuda grass. Sa kaliwang banda naman ay makikita nyo yung mini fountain na may mga dekalidad na isdang lumalangoy at pag napagod ka na sa kakatayo pwede kang magpahinga sa bahay kubo na malapit lang sa fountain. At pag naiinitan ka naman punta lang kayo sa likod ng bahay at ihanda ang sarili para sa paglangoy sa aming family size pool. Pagpasok mo naman sa loob ng bahay malulunod ka sa halos perpektong pagkakadesenyo na sinamahan pa ng mga dekalibreng mga muwebles. Maganda ang bahay namin kung susumahin. Hindi kasya dito kong ilalarawan ko lahat. Basta malaki at maganda. May kotse at iba pa. Meron kami nyan. "Name it and we have it" ika nga nila.

Nasa papel nga lang.

Tama ang nabasa nyo. Nasa papel nga lang. Hindi ko pa alam kung kelan ko makukulayan. Parang ginaganahan ako sa lahat pag naiisip ko yan. Nasasagutan ko yung mga exams ko, nakakapagperform ako ng maayos at naiinspired ako lalo. Tama nga yung sinasabi nila na pag yung tipong nawawalan ka na ng pag asa isipin mo lang yung mga pangarap mo. Hmm.

Pangarap.

Grabe. Kung yan lang ang kelangan sa mundo ang yaman ko na sana kaso hindi eh. Sa patalastas nga ni Vilma "Darna." na kung ganun lang kadali umasenso eh di sana marami na ang lumunok ng bato kaso marami ata ang nabilaukan dahil sa pag aakala. Hindi masama ang mangarap. Mangarap ka hanggang gusto mo dahil walang pipigil sayo kundi sarili mo lang. Mangarap ka lang dahil ito nalang ang natitirang libre sa mundo bukod sa fishball na 50cents padin hanggang ngayon sa kabila ng pagtaas ng lahat ng pwedeng tumaas. Pero minsan naisip ko hanggang saan kaya ako madadala ng pangarap ko. Pwede ko kaya yun ibayad sa jeep o ng tuition fee. Pwede ko kaya yun ipangtubos sa kidnapped for ransom. Pwede ko kaya yun ihain sa hapag kainan. Pwede kaya? O baka pwede kainin ko nalang. Kainin ko nalang dahil hindi yun kailan man magkakatotoo.

Masakit. Masaklap. Kuya Eddie? ..

Ganun talaga ang katotohanan. Pareparehas lang ng feeling. Parang ganito lang yun. May mag aalok sayo ng kendi tapos hindi ka naman pala bibigyan. Mga pera na naging bato pa. Nag impake ka na yun pala hindi ka kasama sa outing. Papaasahin ka lang. Papatikim lang sayo yung konting kaligayan. Pero may mas sasakit at sasaklap pa sa lahat yun ay kung hindi mo man lang yun natikman kahit papano. Parang yung lalake o babaeng gustong gusto mong makakiskisan ng balat pero maglalaway ka na lang.

Kulay. Krayola.

Kelangan ko yan. Oh siya, matutulog na ako para masimulan ko ng magkulay.

"OMG. Nabali yung krayolang dapat gagamitin ko. POTEK"

Yan ang sinasabi kong masakit. Masaklap. Nasaiyo na nawala pa. Awts.

Monday, May 26, 2008

Left Behind =(

I was really not in my element to write on my blog. Pero parang may enerhiyang nagtutulak sakin para magsulat. Yung tipong isang malakas na kapangyarihang hindi mo mapigilan. Yung pakiramdam na gusto mong manlaban pero talo ka. Siguro dala na din ng lungkot na nararamdaman ko ngayon kaya parang gusto ko magsulat.

Lungkot. Lumbay. Lungkot. Lumbay.

Pag nararamdaman ko yan di ko maiwasan na mag isip. As in yung pinakamalalim na na naaabot ng utak ko sa pag iisip. Nalulungkot ako ngayon samantalang nagkakasakitan naman ng tiyan yung iba sa katatawa sa mga oras na ito. At natitiyak ko kasama na dun yung mga kaibigan kong nasa laguna ngayon na nagtatampisawan sa swimming pool. Debut kasi ng tropa ko ngayon at ako eto nasa bahay at nagsusulat ng blog. Oo tama kayo, naiwan ako.

Nag iisa.

Blah. Blah. Blah. Ala na akong maikwento dito. Basta ang alam ko hindi ako nakasama. Tae. Nakakalungkot talaga. Yung feeling na sana naghuhumiyaw ako sa pool ngayon dahil nalulunod sa kaharutan. Yung feeling na nakikipagsayawan ako sa kanila sa musika na night vision. Yung feeling na kinakain ko lahat ng handa nila na puro cholesterol. Yung feeling na nakaupo ako at nakikipagjamming sa tagay nila. Yung feeling na dapat na feeling ko sa mga sandaling ito pero hindi. Awts ng "infinite" times talaga. Parang tulad ng nasa kamay ko ngayon.

Sugat.

Bukod sa lungkot na nararamdaman ko ngayon eh nakakaramdam din ako ng hapdi sa aking mga kamay. Epekto ng aking kaabnormalan. Pinagalitan. Binulyawan. Pinag initan. Isang "amp" ang inukit ko gamit ang napakatalim na karayom sa aking kaliwang kamay kapalit ng lahat ng nararamdaman ko. Halo halong emosyon. Parang mga nagkaisang emosyon na ginulantang ang araw ko. At ang resulta, natalo ako laban sa mga potek na emosyon. Hindi ko sila kinaya. Masyadong malakas ang pwersa nila. Nag iisa lang ako. Tao lang ako. Natatalo.

Oo. Talo ako.

Panalo ang potek na emosyon.

Tuesday, May 13, 2008

Family Bonding =D

Ayos. Nakapag-internet na ulet ako. Grabe 4days kase kame nawalan ng connection eh dahil dun sa malakas na kidlat. 4days tuloy akong nagaksaya ng oras. Yeah. I do nothing. I'm a house boys for 4days. pero enough of that kase may connection na ulet ako. Well, ang dame kong namiss na mga bagay na dapat kong ikwento dito kaso unahin muna naten yung pinakafresh then the next will follow.

Ginising kame ng mommy ng maaga kanina for a reason na were going to go out and have lunch. Syempre bumangon kame agad at nag asikaso because we know that it would be our family bonding. Almost 6mos. kase nastuck up dito sa Philippines yung daddy ko. Hinde siya agad nakabalik sa barko because of his medical results. He have to rest for a months and have his monthly medical check up. And thank God after 6mos. he was fully recovered. Hinde naman malala yung saket niya in fact he does not drink alcoholic bevereages nor smoking cigarettes. But his medical result says that he is a second hand smoker. He take tons of medicines and alike. And tomorrow will be his last day with us because 5pm is his departure time in the airport going to Amsterdam. Back this lunch time, we eat together at a restaurant and spend each other time productively. Chit chatting, laughing and sort of playing. We also watch the taekwando tournament after having our lunch. Walking and window shopping. It was a very happy and bonded whole day for a family like us. Minsan lang kase yun mangyare eh its either before he left us or after going back from work. But now, I'm very much happy because everything is now okay and back to normal. There's nothing to worry about anymore.

Monday, May 5, 2008

Joke Time [Part 3]

I just wanna share to you this kind of joke.

Storyang Kuripot

Student - Magkano rice nyo?
Tindera - 5php
Student - ung tutong?
Tindera - Libre.
Student - tutong nalang. Yung gulay magkano?
Tindera - 15php
Student - eh yung sabaw?
Tindera - Libre.
Student - sabaw nlng po.
[pagkatapos kumain]
Student - May coke kayo?
Tindera - [siguro bibili na to] uhmm, 8php
Student - Bigyan mu nga ako ng isa [sabay bunot sa bulsa] eto oh ... tansan ... free coke daw.

Oha. Oha. Kuripot talaga nuh. I'm just wandering kung meron talaga nyan sa tunay na buhay. No doubt kung meron man siguro. Ayun lang naman. Sana natuwa kayo. =)

Sunday, May 4, 2008

Happy Fiesta =P

Ayun. Ala namang merun ngayon. Nagising ako ng biglaan kanina kasi sabi ng mama ko pupunta daw kame sa SM kasi manunuod ng sine. Nagmadali naman akong bumangon at nag ayos kasi matagal ko nadin gustong magsine. Past 12:00nn na kame nakarating ng SM. Kumain muna kame kasama yung iba naming relatives na halos 1hr na nag antay samen. Exactly 12:40pm pumasok na kame sa loob ng sinehan. Pinanuod namen yung "When Love Begins" As a viewer, hindi ko masyado nagustuhan yung movie kasi masyadong mababaw yung story but mas nag enjoy ako sa view ng boracay. Siguro sakin hindi ko siya nafeel pero siguro sa iba nafeel nila. Siguro try nyo nalang panuorin din para masaya. Then, nag grocery lang kame at nagcanvass ako ng PSP na ipangreregalo ko sa sarili ko sa birthday ko. 5:00pm na kame nakauwi ng bahay tsaka ko naalala na fiesta pala samin. Hindi kasi sya kasing bongga tulad ng dati. Dati three days yung celebration ng fiesta dito ngayon 1day nalang. Dati may artista ngayon wala na. Dati may mga contest ngayon videoke contest nalang. Ang laki talaga ng pinagbago ng fiesta dito hindi na kasing saya tulad ng dati. Halos wala nga akong nadinig na musiko kaninang umaga na karaniwang gumigising na sakin tuwing fiesta. Siguro nawalan ng budget ang barangay dahil talo sa eleksyon si kapitan. Basta sana sa susunod masaya na ulet yung fiesta dito na parang tulad ng dati makulay at puno ng buhay.

By the way, kanina habang nanunuod ako ng t.v bigla nalang akong naging seryoso kasi may isang segment dun na sabi ay hindi daw lahat ng fiesta ay natatapos ng masaya. Gaya daw nung sa Pagoda at yung isang pang Fiesta na nauwi sa trahedya. Parang napag isip isip ko lang na talaga palang ang hirap ipredict ng buhay. Ngayon ang saya saya mo tapos mamaya mamamatay ka na pala. Parang hindi ko sya kayang tanggapin sa sarili kong buhay. Parang ang hirap. Pero sa kabilang banda naman parang ok nadin kasi namatay ka naman for a reason. Kasi nakiisa ka sa pagdiriwang sa isang santo. Diba ganun yun pag fiesta?.. Tsaka parang namatay ka naman ng masaya. Basta parang ang dapat lang natin gawin ay magenjoy sa buhay. Huwag nating hayaan na matapos ang isang araw ng walang natututunan. Kahit mga simpleng bagay lang na alam mong magagamit mo pagdating na takdang panahon. Pero tama nga yung sa t.v na sa iisanag bagay lang tayo nagkakasundo kahit hindi Fiesta, sa Pagkain.

Saturday, May 3, 2008

Starbucks Code ^o^

I just wanna share this code from Starbucks Coffee. You can post it in you page like Friendster and alike, blogs like Blogger, emails, websites and others. If you are a Starbucks fanatics please support them by simply copying and pasting this code. Keep loving Starbucks. =)






Get the code here.

http://starbuckscoffee.blogs.friendster.com/starbucks_my_life/2008/04/put_starbucks_o.html


You can also add them up on their fans group.

http://profiles.friendster.com/54021134

Friday, May 2, 2008

Is it Over? =(

"All my bags are packed I'm ready to go. I'm standing here outside your door..."

Today is not the best day for me and I think all of my cousins feels the same way too. I slept two consecutive nights in my Auntie's house for me to spent the remaining days of my three cousins here in Manila. And with that two days we really made the best out of it. I have time to talk to them one after the other, giving them some food for thoughts. The first night was very easy and severe as if there's nothing to be worry about and the cold wind made that night very special. I still remember, few weeks before they leave, me and my other cousin have a great time strolling around Trinoma. We bought guitar parts, slippers, starbucks coffee and other stuffs. We really enjoy each others company but its not that happy because the other two were left in the house. Their last night here in Manila made my whole day very uncomfortable. I was with them while they were packing their clothes and other things. Staring to them is very hard for me. I show no emotions of sadness in front of them because I want myself to be strong. After they packed their things we dont waste our time we talk and talk the whole night. We were laughing and enjoying each others company as if we dont like to end the night until everyone were feeling asleep. We bid goodnights to one another and end the night very dramatic. Exactly 4:45am this day we woke up and arrange their things for the last time, checking to avoid unneccessary things. While we are waiting for the jeepney we have a little time talking to each other again and 5:30am the jeepney arrived. We bring the bags and packages inside and I felt sad when I see my cousins doing their goodbyes, hugs and kisses to our Auntie's and finally waved to them for the last time until they see them so blurred. 10:am is their arriving time in the port and at this exact moment they are now enjoying the cold breeze of the sea as they reminisce our happy moments together. And me, I'm starting to mark the calendar and wait for their comeback for the next 1year.