Tuesday, May 27, 2008

Dreamworks =)

Sa subdivision na tinitirhan namen isa kami sa may pinakamalaking bahay na nakatayo. May mini garden sa labas, doorbell at napakaglamorosong gate. Pagkapasok mo sa loob sasalubong sa inyong mga mata ang napakalulusog na bermuda grass. Sa kaliwang banda naman ay makikita nyo yung mini fountain na may mga dekalidad na isdang lumalangoy at pag napagod ka na sa kakatayo pwede kang magpahinga sa bahay kubo na malapit lang sa fountain. At pag naiinitan ka naman punta lang kayo sa likod ng bahay at ihanda ang sarili para sa paglangoy sa aming family size pool. Pagpasok mo naman sa loob ng bahay malulunod ka sa halos perpektong pagkakadesenyo na sinamahan pa ng mga dekalibreng mga muwebles. Maganda ang bahay namin kung susumahin. Hindi kasya dito kong ilalarawan ko lahat. Basta malaki at maganda. May kotse at iba pa. Meron kami nyan. "Name it and we have it" ika nga nila.

Nasa papel nga lang.

Tama ang nabasa nyo. Nasa papel nga lang. Hindi ko pa alam kung kelan ko makukulayan. Parang ginaganahan ako sa lahat pag naiisip ko yan. Nasasagutan ko yung mga exams ko, nakakapagperform ako ng maayos at naiinspired ako lalo. Tama nga yung sinasabi nila na pag yung tipong nawawalan ka na ng pag asa isipin mo lang yung mga pangarap mo. Hmm.

Pangarap.

Grabe. Kung yan lang ang kelangan sa mundo ang yaman ko na sana kaso hindi eh. Sa patalastas nga ni Vilma "Darna." na kung ganun lang kadali umasenso eh di sana marami na ang lumunok ng bato kaso marami ata ang nabilaukan dahil sa pag aakala. Hindi masama ang mangarap. Mangarap ka hanggang gusto mo dahil walang pipigil sayo kundi sarili mo lang. Mangarap ka lang dahil ito nalang ang natitirang libre sa mundo bukod sa fishball na 50cents padin hanggang ngayon sa kabila ng pagtaas ng lahat ng pwedeng tumaas. Pero minsan naisip ko hanggang saan kaya ako madadala ng pangarap ko. Pwede ko kaya yun ibayad sa jeep o ng tuition fee. Pwede ko kaya yun ipangtubos sa kidnapped for ransom. Pwede ko kaya yun ihain sa hapag kainan. Pwede kaya? O baka pwede kainin ko nalang. Kainin ko nalang dahil hindi yun kailan man magkakatotoo.

Masakit. Masaklap. Kuya Eddie? ..

Ganun talaga ang katotohanan. Pareparehas lang ng feeling. Parang ganito lang yun. May mag aalok sayo ng kendi tapos hindi ka naman pala bibigyan. Mga pera na naging bato pa. Nag impake ka na yun pala hindi ka kasama sa outing. Papaasahin ka lang. Papatikim lang sayo yung konting kaligayan. Pero may mas sasakit at sasaklap pa sa lahat yun ay kung hindi mo man lang yun natikman kahit papano. Parang yung lalake o babaeng gustong gusto mong makakiskisan ng balat pero maglalaway ka na lang.

Kulay. Krayola.

Kelangan ko yan. Oh siya, matutulog na ako para masimulan ko ng magkulay.

"OMG. Nabali yung krayolang dapat gagamitin ko. POTEK"

Yan ang sinasabi kong masakit. Masaklap. Nasaiyo na nawala pa. Awts.

2 comments:

  1. anep.. haha..
    david to..
    hehe

    ReplyDelete
  2. hehe.
    gulat aman ako sa koment mo.
    tnx tnx.
    libre lang mangarap.
    sana ganyan bahay namen.
    wahaha.
    =)

    ReplyDelete