Saturday, June 14, 2008

Summer Assessment ^o^

Sabado na ngayon. Bukas linggo na at friday the 13th pala kahapon. Syet. Hindi ko man lang naramdaman. Alang kakaibang nangyare kahapon saken. Hindi ako nadisgrasya or natapilok man lang. Wala lang. As in wala lang. Nakakatamad. Hindi naman sa gusto kong may masamang mangyari saken kahapon. Gusto ko lang ng kakaiba para naman exciting. Sana man lang nauntog ako, naipit sa pinto, natae sa salawal o kaya naman ay nilapa ng aso namin para mas masaya. Pero wala. Wala talaga. Hindi ko maexplain. Dahil wala namang dapat ipaliwanag sa wala. Kaya nga wala eh. Dahil paano pa magiging wala kung meron pala.

"Akala mo lang wala pero meron meron meron." Merong ano? ..

Pasukan na sa lunes. Yan ang meron. Hindi ako naeexcite dahil alam kong hahanapin ko din naman ang bakasyon pag nararamdaman kong ang dami na namang exams. Hindi ko rin naman gustong magbakasyon pa dahil wala na akong pera pangsustento sa sarili kong luho. Normal lang ang feeling ko. Masaya din naman sa eskwelahan. Kasama mo na naman yung mga kaibigan mo. Mangangarag ka ulet. Magigising ng maaga pero hindi ka makakatulog ng maaga. Mangongopya at magpapanggap na busy para magmukhang sikat. Sa totoo lang, aminin na naten, baon lang ang habol naten sa pasukan. Pera. Allowance. KICKBACK.

Dalawang buwan lang ang bakasyon. Pero kung tutuusin dahilan na yun ng pagkapurol ng utak naten sa matagalang pagtengga sa bahay. Matagal para sa mga walang perang tulad ko. At mabilis para sa mga taong productive ang bakasyon. Hindi ko masasabing naging "House Boy" lang ako sa loob ng dalawang buwan. Teka. Baka mali ang naiisip nyo. Hindi nyo ako dapat purihin. Hindi ako naging masipag nitong bakasyon. Ala akong ginawang mabuti kundi ang magpasaway. Literal na house boy ang ibig kong sabihin. House=Bahay Boy=Lalaki. Lalaking Bahay. Couch Potato para sa mayayaman na tulad ko na rin. Hindi ko rin masasabing naging "Party Animal" ako ngayon bakasyon. Gitna ako. Parang playing safe. "It was not the best situation but definitely not the worst." Siguro may part din naging productive ang buhay bakasyon ko. Dahil sa mga ginawa kong productive na para saken.
  1. Ako lang naman ang nagsilbing hardinero ng bahay namen. Tinabas ko lang ng mga damo sa garden namen. Amp. Ok lang sana kung maliit lang. Eh hindi eh. Malaki sya. Promise.
  2. Binasa ko ulet ng 7 times ang libro ni Bob Ong.
  3. Inayos at pinaganda ko ang kwarto ko na dati eh parang mga alikabok ang nakatira.
  4. Nagsilbi din akong guwardiya ng bahay namen sa dapat aso ang gumagawa dahil lage akong naiiwan sa bahay pag umaalis sila. Hindi ko sila sinisisi. Dahil gusto ko rin naman. Basta may pasalubong na pizza pag uwe.
  5. Naging trainor ng aso namen na ngayon eh marunong ng makinig pag sasabihan mong umupo ka sa tabi ko, humiga, tumayo. tumuwad, maglakad, tumakbo at mga play dead. Pero hindi ko ata sya naturuan maging masipag. Dahil madalas lagi syang tinatamad.
  6. Gumawa ng mga bago at walang kwentang blogs dito sa blogger. Pero kumikita ng dolyar dolyar.
  7. Inayos at nirenovate ang BSACAS friendster at multiply account.
  8. Naging taga buhat ng mineral water na inoorder namen na napakabigat.
  9. Tinuruan ang sariling Ina na mag adik sa paglalaro ng yahoo games.
  10. Maglotion.
  11. Magpaputi.
  12. Gumawa ng mga bagong kanta at magrecord.
  13. Magpraktis ng banda.
  14. At utuin ang sarili tuwing gabi bago matulog na napakadami kong nagawang kapakipakinabang ngayon araw na dapat eh nuong 3 yrs old palang ako eh alam ko na.
  15. Higit sa lahat, pinakagusto kong ginawa ko ngayon bakasyon eh yung ako yung magloload sa mga nagpapaload samen dahil bigla bigla na lang akong nagiging politician pagkabigay ng bayad nila.

Ginutom ako sa haba ng sinulat ko dito. Kumaen muna ako ng Quake Bars. At may nireserba pa akong isa dahil tiyak ko na gugutumin parin ako. Naalala ko tuloy yung paborito kong Chocolate Bars dati na baon ko pa nuong elementary. Yung Whamos. Hindi ko alam kung buhay pa ba yun pero kung oo bibilin ko lahat ng supply nila. Kinalkal ko din habang kumakaen ako yung cellphone ko kanina. Nabasa ko naman yung isang kowts. Si inday. Ang sosyal na katulong. Kasabay ng pagsikat ng pelikulang caregiver eh sabay din naman ang pag usbong ng muling pagbabalik ng kwento ni Inday. Nakakatuwa. Naging caregiver na si Inday at sponsor ng Belo. Minsan naisip ko napaka kati talaga ng utak ng tao. Kung ano ano naiisip. May maimik lang.

Take time to realize.

Ala lang. Wala lang akong maisip na dapat isulat. Pero dahil may kinalaman din naman dyan ang sususnod kong isusulat kaya naisip ko na sya. Balik sa usapang productive. Ang sagot sa multiplication. Productive ako at ang bakasyon ko dahil hinayaan ko rin ang isip ko na marealize ang mga ilang bagay tulad ng.

  1. Kumaen pag nagugutom (Dahil nagugutom na naman ako)
  2. Na nauto lang kame ni Enrick dun sa Timezone na kung ano yung mas mabilis umikot 5 cents, 5php or 10php. Sayang sya sa pera. Dahil meron dung malaking parang bowl na kung saan papaikutin mo yung pera tapos titingnan mo kung alin mas mabilis umikot. Then late mo na marerealize na sa bandang huli eh mahuhulog lang din ang barya mo sa butas sa gitna dahil yun ang huling pagbabagsakan ng barya.
  3. Na may mga tao padin na sadyang makapal ang mukha na magsayaw sa World of Fun.
  4. Na mahirap magmall ng walang pera.
  5. Na nakakapagod agad sa paa na libutin ang 1st floor pa lang ng trinoma.
  6. Na masyadong mahal ang mga stuff toys sa animaland sa trinoma.
  7. Na wala palang gaanong tao sa mall pag araw ng kalayaan.
  8. Na wala ring jeep sa araw ng kalayaan.
  9. Na sagutin ang tawag ng kalikasan pag kelangan (dahil tawag ako ng banyo. Teka)
  10. Na mabilis pala ang epekto ng Quake Bars (kalalabas ko lang ng banyo. haha)
  11. Na masamang maging hobby ang katangahan.
  12. Na laging sa "na" nagsisimula lahat ng sinasabi ko.
  13. Mahal maging collection items ang mga havaianas.
  14. Mas marami pa ang mga nailabas kong pera ngayong bakasyon kesa sa mga nagawa kong mabuti.
  15. Sanhi ng puyat ko ang pakikinig sa kwelang talk to papa ng barangay LS 97.1 tuwing 12-2am
  16. May angking talento pala ako sa photography.
  17. Laos na si Jun Lozada.
  18. Kawawa si Ces Drilon.
  19. Masaya magsagot ng survey sa friendster.
  20. At hindi lahat ng nakilamay na fans ni Rudy Fernandez ay gusto syang makita dahil ang iba gusto lang maexpose sa camera para madiscover pero mas marami pa rin sa kanila ang gusto lang mag papicture kasama ng mga artista na naka japan pose pa.

Hmm.

Masyado ng marami akong nasulat at nasabi. Malamang tinamad ka na habang binabasa mo to. At malamang wala kang ginagawa ngayon kaya umabot ka hanggang dito sa binabasa mo ngayon. Pero sigurado hindi lahat nagtangkang tapusin ang kwento ko. Pero isa lang ang gusto kong sabihin sa inyong lahat na bumisita dito sa blog ko. Salamat dahil kumita na naman ako. May dolyar na naman ako.Sana tumaas ang palitan para yumaman na ako. Oh siya. Matulog ka na.

"Mataas man ang langit, Mababa man ang Lupa, Pag hindi ka nakita ako'y luluha" -motto ng caller ng talk to papa. Joy ata pangalan nya.

"Tubig is water, Love is a Teen Ager, Dinaan ko sa Love Letter." -motto padin to nung caller ng talk to papa. Si joy.

Natapos 12:30am

Monday, June 9, 2008

BIG winner =D

Ayayay. Nag iisa na naman ako ngayon dito sa bahay at unang beses ko atang magsulat sa ganitong oras. Hindi ko alam kung bakit pero halos dalawang araw nadin akong tinatawag ng blog ko para magsulat. "Naaagnas" na daw kasi sya. Nagmamakaawa na bisitahin ko naman daw siya.

Simula.

Aber. Hindi na mahaba ang buhok ko ngayon. Bagong tabas. Kagabi lang. Ang haba ng pila sa mga salon kagabi hindi ko alam kung bakit sila nagpapagupit dahil kaya holiday ngayon at may lakad sila o hindi kaya'y dahil trip lang nilang magbawas ng kayamanan o baka naman dahil gusto lang nila akong makita? Ako iba ang dahilan ko kung bakit nagpagupit ako kagabi. Simple lang. Wala kasi akong pera at kelangan ko ng "kickback" Success naman ako sa maitim kong plano.160 pesos ang kinita ko kagabi dahil sa kasinungalingan.

White Lies.

Hindi ko sigurado kung yan ang tawag sa mga pagkakataong hindi mo gustong magsinungaling pero dapat mong gawin. Hindi naman ata kasama ang lying sa seven mortal at modern sins kaya ok lang. Pero lahat nga ng sobra masama kaya dapat hindi araw araw siguro every other day or twice a week lang ang accepted ng simbahan. Tae. Joke lang. Nagsisinungaling lang ako. Masama yan talaga at hindi dapat gawin kaya wag nyo akong tularan.

Dahil gusto kong maging idol.

Oo. Gusto kong maging idol sa iba. Yung tipong hahangaan ka nila. Pero hindi ko alam kung ano ang basehan para maging idol ng lahat. Hindi ko naman kayang gayahin si Rizal na kayang magpakamatay para sa bayan, hindi ko rin naman kayang pasanin ang krus para matubos ang lahat sa kasalanan, mahirap din naman magsauli ng limang milyong pisong naiwan ng iba lalo na kung gahaman ka talaga, at lalong mas mahirap maging idol hotdog katulad ng patalastas sa t.v dahil hindi ko trip ang maglinis ng subdivision namen buong araw. Ang kaya ko lang gawin para maging idol ay sumali sa big brother at maging big winner.

Big winner. Sana ako.

Inaamin ko na gusto kong sumikat. Makilala. Hindi ako plastik para sabihin kong hindi ko pinangarap na makita sa t.v. Sino ba namang ayaw diba kung bibigyan ka ng pagkakataon. Marami na akong napatunayan sa sarili ko para masabing kahit papano ay may narating na din ako sa buhay. Naging best in conduct ako nuong highschool na kahit alam kong pilit ata yung award na yun dahil sa class president ako ng room namen. Naging outsatanding officer nadin ako nuong graduation namen. Lumaban at nanalo na din ako sa declamation na sinalihan ko at third place ako. Sumali na din ako sa balagtasan, talumpating handa at di handa, balitaan. on the spot essay writng contest at essay writing contest na hindi on the spot. Ilan sa mga yan ay nakuha ko ang medalya. Hmm. Mukha na akong nagyayabang pero ayos lang may ipagyayabang naman. Siguro paminsan minsan kelangan ng tao na magyabang para ibuild up yung sarili. Yung tipong masasabi mo sa sarili mo na "hindi ako small type." Yung parang pag ibibid ka eh 10,000,000 agad ang starting offer sayo.

Tulala. Lala. Lala.

Para kasing bigla akong tinamad at nawalan ng sasabihin. Pero sana magkatotoo yung gusto ko para magbago naman yung takbo ng buhay ko. Para kasing tinawag ako ng kamera. Pero parang may pumipigil saken. Hindi ko alam kung ano yun. Pero nararamdaman ko na sumisigaw na sya. Darating na. Nagagalit at nagpupumiglas.

"Natatae na ako. Tae. Bye na muna."