Monday, September 26, 2011

Mga Kwentong Walang Saplot.


Agosto 7, 1995

Para Sayo.

Interior.

Pagod na pagod pa rin ako dahil kahapon. Kaarawan ko kasi. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin maisip kung bakit nakalimutan ko kahapon na kaarawan ko pala. Disesais na ako. At ito na ata ang edad na gusto ko maging habambuhay. Hindi ko alam, pero para kasing fresh na fresh ako sa edad na disesais. Murang mura. Virgin.

Laging blessing ang kaarawan ko dahil lagi namang umuulan kapag Agosto. Hindi pa nga ata lumipas ang kaarawan ko na hindi umuulan. Minsan nga kahit anong alay ko ng itlog, umuulan pa rin. Kulang nalang nga eh pati itlog ko, ialay ko para lang makaranas ako ng kaarawang tuyo. Pero dahil dito, naisip ko, bakit nga kaya itlog ang kailangan ialay para hindi umulan? Ano ang kaugnayan ng itlog sa takbo ng kalikasan? Sa ulan? Sa sirkulo? Bakit hindi nalang keyk? kanin? puto? bigas? barya? o kung ano ano pa? Bakit kailangan itlog pa?

Sa kabilang banda, umulan man o umaraw, hindi talaga pwedeng hindi maidaos ng mga tao ang kanilang kaarawan, gaya ko. Aba natural, minsan lang sa isang taon kung sasapit ang kaarawan eh. At tsaka, parang pasasalamat na din yun dahil buhay ka pa rin.

Speaking of pasasalamat, hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa mga taong nagpunta sa kaarawan ko. Siguro oo kasi naging masaya naman ako. Dahil nag-abala pa sila ng oras para sa akin. Sa akin nga ba o sa mga handa ko? Pero sa kahit ano pa mang kadahilanan, salamat nalang sa
kanila.

Nakaugalian ko na sa tuwing sasapit ang kaarawan ko ang gumawa ng wishlist. Ito yung album kung saan ilalagay mo yung mga bagay na gusto mong matanggap sa kaarawan mo. Kahit ano pwede mong ilagay dito. Mahal man o mura. Makatotohanan man o hindi. Ilan sa mga inilagay ko dito ay:

1. Libro - Lalo na yung mga paborito kong libro gaya ng Norwegian Wood, The Catcher in the Rye, Looking for Alaska, Paper Towns at kung ano ano pa.

2. Bag   - Gusto ko lang ng bagong bag dahil luma na masyado ang ginagamit ko.

3. Plaid -  Kahit anong klaseng plaids pasok sa akin tutal paborito ko naman sila.

4. Denim - Partikular sa jacket. Masyado na kasing maulan ngayon kaya gusto magkaroon ng makapal jacket.

5. Boots - Dahil mas maganda itong gamitin kapag umuulan. Mas matibay at hindi sumusuko sa ulan.

6. Tabs  - Ito yung mga tablets. Okay na nga rin sa akin yung Kindle o kaya naman yung Graphic Tablet. Kaso mukhang imposibleng may magbibigay sa akin nito. Pero malay mo, hindi natin masasabi.

7. Relo  - Kahit anong relo basta kulay dilaw pasok na pasok sa akin.

Alam kong masyadong maluho yung iba pero wala namang masama, eh. Kaarawan ko naman yun. Kahit man lang sa araw na yun eh sumaya ako. Alam kong sabi nila na hindi daw mabibili ng pera ang tunay na kasiyahan pero ang mga bagay na ito ay malapit na din sa kasiyahang hinahanap ko kaya umaasa ako.

At yun pala yung masakit. Na kahit saan aspeto mo ilagay, masakit ang umasa. Wala akong natanggap na kahit ano sa kaarawan ko. Alam kong hindi sapat na dahilan yun para maging malungkot ako. Alam kong lagpas pa dun ang kahulugan ng kasiyahan. Lagpas pa sa pansarili kong kagustuhan. Lagpas pa sa makamundo kong pagnanasa. Lagpas pa salitang kasiyahan.

Pero bakit ganun? Kahit anong pilit ko sa sariling makuntento ay hindi ko magawa. Alam mo yun, yung sadyang may mga bagay na hindi mo pwedeng paghiwalayin. Mangga at Bagoong. Kutsara at Tinidor. Puto at Kutsinta. At ang kaarawan ay hindi matatawag na kaarawan kung walang regalo.

Sumulat,

Marx.

Sunday, September 4, 2011

Mga Kwentong Walang Saplot.

Agosto 6, 1995

Para Sayo.

Interior.

Ni minsan, hindi ko inabala ang sarili kong alamin kung ano ang kahulugan ng kaligayahan. Ni hindi ko rin tinangkang hanapin dito sa maliit kong kwarto kung saan nagtatago ang ligaya. Patuloy lang ako sa pag-ikot sa kama. Naghahanap ng tamang posisyon sa lahat ng bagay. Nakatunganga.

Bakit kaya kailangan ng tao ang tumunganga minsan tulad ng ginagawa ko ngayon? Wala namang napapala sa pagtunganga. Sa katunayan, nag-uubos ka lang ng oras sa walang kapararakang bagay. Pero sabi nila, sa pagtunganga lang daw nagiging malaya ang tao. Malayang nakapag-iisip sa mga bagay bagay. Teka, ano nga ba ang iniisip ng mga tao habang sila ay nakatunganga? Posibleng, kung mahal ba sila ng taong mahal nila? Kung may nakakaalala ba sa kanila? Kung mananalo ba sila sa lotto? Kung matatanggap ba sila sa trabaho? Kung papasa ba sila sa exam? O kung maliligo ba sila ngayong araw?

Malakas ang buhos ng ulan. Hindi nakapagtatakang mahirap bumangon, masama sa loob ang kumilos at nakakatamad maligo. Ito yung mga panahong gusto ko lang na nasa kwarto habang nagbabasa o kaya naman ay gumuguhit at paminsan minsan ay tumunganga sa may bintana. Tumagal din ng halos isang oras ang kalokohan ko sa kwarto ko bago ako nakakilos at nakabangon sa pagkakahiga.

8:05 ng umaga. Agosto 6, 1995. Linggo.

Putek! Ika-anim pala ng Agosto ngayon? Paanong nangyaring nakalimutan ko ang araw na ito.


Dali-dali akong lumabas ng aking kwarto. Pero bago pa man ako tuluyang nakahakbang palabas, nakita ko ang mga salitang sinulat ko sa likod ng aking pintuan.
"Isa lang naman talaga ang kinakatakot ko kaya ayaw kong malaman ang kahulugan ng kaligayahan, iyon ay ang malaman na nalulungkot na pala ako."
Sumulat,
--------

Saturday, September 3, 2011

Laro ng Laman.


Hindi ko masasabing lumaki ako bilang isang normal na bata. Sa kabila ng mga nangyari sa amin ni Robi, ng sarili kong pinsan. Simula nuong bastusin nya ang pagkalalaki ko, hindi ko na magawang tingnan sya sa mukha. Sa tuwing nagkakaroon kami ng family bonding, ilap ako sa kanya. Pinipigilan kong magkita ang aming mga mata. Nandidiri ako. Nasusuklam.
Minsan napapatingin ako sa kilos ni Makoy. Normal lang sya. Para bang walang nangyari sa kanila ni Robi, nuong isang gabing malamig ang ihip ang hangin. Lumabas ako saglit para duon maupo sa may gate. Mas malamig kasi dun. 
Hindi ko alam, sumunod pala sa akin si Robi.
“Laro tayo playstation sa bahay nyo!”
“Ayaw ko.”
Tumayo ako at tsaka tumakbo pauwi ng bahay. Naiiyak. Nabababuyan. Pagdating ko ng bahay ay binuksan ko ang computer. Tumambay ako friendster. Nagsagot sa kung ano mang survey ang nakapost sa bulletin. Pilit kong ginagawang abala ang utak ko. Ayaw kong maalala ang katarantaduhan na iyon.
Hindi nagtagal ay nagsawa din ako. Binuksan ko ang Y!M account ko. At dun naglaro ako ng mas kakaiba, ng hindi ko inaakala.
“Trip mo?”
PM sakin ng hindi ko kilalang tao. Ni hindi ko nga maalala kung sino at kung paano ko sya naging kaibigan duon.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Maglaro?”
“Ng?”
“First time mo ba?”
“Maglaro ng ano nga?”
“Maglaro ng laman.”
“Tangina mo. Libog!”
Binalewala ko lahat ng mga sumunod nyang PM’s sa akin. Hanggang sa ininvite nya ako sa cam nya. Nagulat ako sa mga nakita ko. Isang babae, nakahubad. Nakita ko ang matambok nyang suso. Pantay na pantay ang pagkakatulis hanggang sa utong. Kakaiba ang feeling ang naramdaman ko nuon. Para bang naiihi ako sa kilig.
“Tatanggi ka pa ba? Hubad na. Show tayo.”
Hindi ko alam kung ano ba ang show na sinasabi nya. Isa lang naman ang alam ko nuong mga oras na iyon, tinitigasan na ako.
“Wala naman tayong gagawin dito. Cyber sex naman ito. Hindi mo ako mabubuntis kaya huwag kang matakot. Para lang tayong maglalaro dito. Mag-enjoy ka lang. Maglilibugan lang tayo hanggang sa pareho tayong labasan ng katas. Katas ng paghihirap sa sarap.”
Sa hindi ko maipaliwanag, daig ko pa ang nahypnotized nuong mga araw na yun. Binuksan ko din ang cam ko. Sinunod ang lahat ng mga sinabi nya. Wala na ako sa ulirat. Wala na ako sa normal na mundo. Nasa langit na ata ako.
Naghubad na ako. Lahat. Walang natira sa katawan ko bukod sa kwintas ni Papa Jesus na suot suot ko. Nilaro ko na ang sarili ko. Pinaligaya habang pinapanuod ko sya. Napapaangat pa nga ako kung minsan sa kinauupuan ko habang nilalaro ang titi ko. Kung minsan, naninigas pa ang mga paa. Napapaungol. Halatang sarap na sarap ako sa kasalanang ginagawa ko.
Patuloy sya sa paghimas sa mga malulusog nyang dibdib. Paminsan minsay ay dinidikit pa nya sa webcam para mas lalo kong makita. Mas nagulat ako nung pinakita na nya ang perlas sa akin. Para na akong nabaliw sa sarap. Ang sumunod ko nalang na naramdaman sa patuloy na paghimas ay may kung ano ng tumalsik sa katawan ko. Nilabasan na pala ako. At sumunod na din sya.
Bigla akong naglog-out ng hindi nagpaalam. Tumayo ako para maglinis. At dun ko nalang napansin na natalsikan pala ng katas ko ang kwintas ni Papa Jesus na suot suot ko. Pinunasan ko tsaka nagsorry.
Alam kong panghabang buhay kong dadalhin ang kasalanan na yun sa kanya. Pati sya nababoy ko mismo. Ito pala ang show na sinasabi nya. Hindi ako nagsisi. Dahil alam kong sa sarili ko na uulitin ko pa iyon. Sa ibang babae naman.

Friday, September 2, 2011

Plano.

Meron akong niluluto sa isipan ko ngayon. Una, yung plano kong lumahok sa Saranggola Blog Awards. Ang kaso, medyo nalalabuan ako sa mga patakaran sa nasabing patimpalak. Siguro, babasahin ko nalang ulit. Hindi ko pa rin kasi masimulan na bumuo ng mga salita patungkol sa tema ng patimpalak. Marami pa kasing nakaharang sa mga gawain ko. Malamang, masisimulan ko iyon pagkatapos pa ng eksaminasyon ko. Pangalawa, nagplaplano din akong gumawa ng isang bagong pakulo dito sa blog ko. Parang online diary. Kung alam nyo yung "Perks of Being a Wallflower" ayun, parang ganun ang gagawin ko. Pinag-iisipan ko pa nga lang kung para kanino ko ilalaan ang sulat at kung ano ang magiging takbo ng istorya. Bahala na.

Sa ngayon, magpapakain muna ako ng aso.

Paglilinlang ng nakaraan.


Halos siyam na buwan na din ang lumipas pero kanina nuong pumunta sa celebration ng HS friend ko muli akong binalikan ng isang bangungot ng nakaraan.
Usapan highschool ang bumabangka kanina. Halos lahat binalikan namin. Mga guro namin, mga ka-eskwela, kaaway, mga nabuntis, mga panget, mga magaganda, mga crush at kung ano ano pang katarantaduhan.
“Naalala nyo pa si Nikko?”
“Ang laki pa rin ng ilong nya diba?”
“HAHAHA!”
“Uy! Huwag kayong ganyan. May nasasaktan.”
“Nako, dedma naman ang pinapatamaan.”
Ako ang pinapatamaan nila nuong mga oras na iyon. Gusto nilang makita kung ano ba magiging reaksyon ko kapag narinig ang pangalang Nikko. Hindi ako kumibo. Napabuntonghininga nalang ako at napamura sa isip sabay nandiri sa sarili.
Siguro dahil sa mga karanasan ko nuong bata ako kaya ko iyon nagawa. Parang gusto kong makilala ang sarili ko. Kung sino ako. Yun na ata yung tinatawag nilang “Identity Crisis.” Mahirap man sa loob ko pero mukhang dumaan ako sa ganyang estado ng buhay.
Inabuso ako ng sarili kong pinsan na si Robi. Nakita ko din ang ginawa nila ni Makoy. Napasubo na din ako sa isang show sa internet. Lantad na ang buhay ko sa sex. Hindi ko alam. Sabi nila kapag gumalaw o nagpagalaw ka daw sa kapwa mo lalaki maituturing ka na din daw na bading. Napaisip ako, bading nga ba ang mga pinsan ko at bading na din ako?
First year highschool ako nuong nakilala ko si Nikko. Naging kaibigan ko sya. Sobrang talik na kaibigan. Simula nuon inaasar na ako ng mga kaibigan ko. May gusto nga daw ako kay Nikko. Dinedma ko lang sila pero tuwing gabi eh napapaisip ako. Bakit parang iba ang nararamdaman ko kay Nikko. Minsan gumagawa ako ng paraan para makausap ko sya sa telepono. Gusto ko kasi syang laging nakakausap. Nagiging masaya ako.
Lalo lang nila akong inasar nuong nalaman nila na pinapautang ko si Nikko ng pera lagi. Pero hindi ko naman yung binibigay. Binabayaran  din naman kasi nya iyon. Hindi nagtagal maski ako eh naguluhan na sa sarili ko. Bading nga ata ako dahil parang feeling ko naiinlove na ako kay Nikko. 
Lumipas ang isang taon. Ganun padin ang pakiramdam ko kay Nikko. Na parang gusto ko sya. Hindi ko alam. Nagpunta ako sa school psychologist namin para magpatulog. Para mas lubos kong makilala ang sarili ko at para masagot na din ang ilan sa mga tanong ko sa buhay.
Pinakwento sa akin nung psychologist ang  mga pangyayari sa buhay ko. Nagtanong din sya ng kung ano-ano. Tumagal din ng ilang oras ang aming usapan hanggang sa sinabi nya sa akin ang resulta ng eksaminasyon nya.
Hindi daw ako bading. Lalaki daw ako. Ang nararamdaman ko lang daw kay Nikko ay yung feeling ng isang brotherly love. Hindi daw yung romantic love.
Lumaki akong hindi nakakasama ang tatay ko. Madalas Nanay at Ate ko lang ang kasama ko sa bahay. Wala akong mapagsabihan ng mga problema ko sa buhay kung saan kailangan lalaki din ang kausap ko. Wala ako masyadong kaibigang mga lalaki dito sa subdivision namin. As in, nabuhay lang ako sa sarili ko.
Ang nararamdaman ko daw ay paghahanap ng pagmamahal at atensyon galing sa isang lalaki since bihira lang daw kami magkasama ng tatay ko. Parang naghahanap daw ako ng isang tao na magpupunan ng kakulangan na iyon sa buhay ko. Isa rin daw iyong dahilan kung bakit galit na galit ako sa Ate ko hanggang ngayon kasi lalaki ang gusto kong maging kapatid. Ang tingin ko daw sa mga lalaki ay parang gusto kong maging kapatid at kuya para daw may mapagsabihan ako ng mga problema ko sa buhay.
Napatahimik ako sandali, totoo lahat ng sinasabi nya. Wala akong gusto kay Nikko. Hindi romantic love ang nararamdaman ko sa kanya. Ganoon ang turing ko sa kanya kasi kulang ako sa atensyon ng isang tatay. Epekto nga lang ito ng mga deprivation ko sa buhay.
Kanina mas pinili ko nalang na tumahimik at hindi kumibo. Hinayaan ko na sila na husgahan ang pagkatao ko. Basta ang ako, okay na ako sa kung sino ako. Kilala ko na ang sarili ko. At hanggang ngayon, gusto ko pa rin ng isang Kuya. Gusto kong makaramdam ng atensyon at pagmamahal ng isang lalaki, ng isang tatay o kuya. Hindi yung romantic love.

Tuesday, June 28, 2011

Gaya gaya, puto maya.

Nakakawindang na tunay kung paanong ang mga tao ay pilit na ibinibilang ang sarili nila sa karamihan. Siguro nga para mabilis silang makilala kasi "they belong" ang drama nila sa buhay. Hindi naman sa sinasabi kong bawal ang gawain iyon, sa katunayan, palasak na ang ganung eksena dito sa kamaynilaan.

May mga taong pilit na magpapaputi para lang masabi na kasama sila sa trend ng mga tinaguriang mga pekeng anak araw. Yung tipong makikisabay sa pagbili ng mga kapsulang pampaputi, makikipag-unahan sa pagpunta sa mga suking klinika para magpaturok ng kung ano, makikipagsiksikan sa mga shopping market para masungkit ang iba't ibang sabon, pamahid sa katawan, mukha, paa at kung ano ano pang produktong sinasamba na nagpapangako na puputi ang sinumang gagamit nito sa loob lamang ng pitong araw.

May mga taong pilit na magsusuot ng mga mamahaling bagay kahit hindi naman bagay sa mukha masabi lang na "I'm a trendsetter." Kung anong uso, syang suot. Nandyan ang mga hapit na damit na kinahuhumalingan ng mga kalalakihan para lang maisambulat sa publiko kung gaano kalaki ang kanilang mga masels kesa sa kanilang mga utak. Mga hapit na damit na kahit mamasa na ang kili-kili eh ayos lang basta bumakat lang ang kanilang mga dibdib at utong. Nandyan ang mga maluluwag na damit para sa mga kababaihan na kahit makitaan na ng hinaharap eh ayos lang. Meron din naman na naglalakas loob na magsuot ng mga sosobrang ikling damit at shorts na kahit na sandamakmak na ng limang pisong peklat sa tuhod hanggang paa. Mapalalaki o babae eh hilig na hilig sa mga makukulay na damit na kahit na magmukha silang naglalakad na Christmas Lights eh ayos lang. Idagdag mo pa ang sari saring dekorasyon na inilalagay sa katawan na pinagmumukhaan tuloy silang Christmas Tree. Basta masunod lang sa uso kahit buwis puri, okay lang.


May mga taong pilit na bumibili ng mga latest na gadgets masabi lang na "I'm techy, you know!" kahit na sa kaloob looban ng damdamin nila eh naiiyak na sila dahil kapalit nuon ang pangkain nya sa loob ng isang taon at ang katotohanang pag-uwi sa bahay eh hindi alam gamitin at kung para saan ang biniling gadget.

May mga taong pilit na ginugustong magkaroon ng SLR. Passion daw kuno. First love at kung ano-ano pang drama masabi lang na "I'm a photographer" kahit na ang totoo hindi nya alam kung ano ang ibig sabihin ng SLR. Wapakels ang mga tao dyan. Basta maisukbit lang nya sa leeg nya ang kamera, uso na. Dedma kung ano ang ibig sabihin ng mga settings sa kamera basta pindot dito pindot duon. Presto!

May mga taong pilit na gugustuhin makasta agad. Ang siste, napaglipasan ka na daw ng panahon kapag bago ka dumating sa legal na edad eh hindi ka pa nakakatikim ng langit na bumaba sa lupa. Landi dito, landi duon. Makalasap lang ng kaunting sarap. Sabagay, kapag wala ka nga namang karanasan eh O.P ka na sa usapang sa inuman. Wala kang maibibida sa mga tropa mong titi lang ang inaalagaan at sa mga sister mong kire lang ang puhunan. Mas maraming karanasan, mas bida. Mas maraming naikama, mas lalaking tingnan.

May mga taong pilit bibili ng mga libro dahil ito daw ang uso. Nerdy nerdy na may pagka-geeky geeky daw ang datingan mas pasok sa spotlight. Hindi magkanda-ugaga ang ilang mga tao sa pagtambay sa mga bookstore para lang magbasa ng libro o at least magpanggap man lang. Salampak dun at basa dito kahit na kitang kita naman sa mukha na hindi maintindihan ang binabasa at halatang nakakatulog na. Sabi ng isang Radio Jockey, meron prop ang lahat ng bagay at isa na dito ang pilit na pagkahilig ng mga tao sa libro para lang sa "matalino effect."


May mga taong pilit na pinapalaman at hinuhumaling ang sarili sa Nutella dahil ito nga daw ang uso at pinakasikat na palaman. Minsan pa nga, wala ng pinagkaiba ang Nutella sa kape ng Starbucks. Alam mo na, picture dito, picture duon with the special participation of Nutella. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsasabi ng "I have my Nutelle here" kahit na kitang kita naman sa mukha na natatae na sya dahil sa kakalapang ng Nutella.

Ganito kung paano tumakbo ang mundo ng mga tao. Walang sisihan. Walang pakialaman. Kanya kanyang trip nga daw. Walang basagan. Sa henerasyon ngayon, bibihira nalang ang mga taong may kakayahang panindigan kung ano yung tunay nilang nakasanayan at yung mga taong tunay na gumagawa ng uso. Siguro nga kailangan ng taong makibagay sa kung anong uso at meron ngayon para hindi ka mapag-iwanan. Pero, paminsan minsan hindi masamang umiba sa karamihan basta dapat ang tatandaan mo lang eh dun ka lumugar sa pwestong alam mong kayang mong panindigan at pangatawanan.

Monday, June 27, 2011

Baliw Tanaw.

Nakakatuwang balikan ang lahat ng bagay na isinulat ko dito. Hindi ko akalain na may pagkajejemon din pala ako dati. Ang daming kolerete ng bawat post ko. Bawat stanza eh iba iba ng kulay na wari'y mga banderitas sa isang makulay na piyestahan. Yung iba pa nga eh sinasamahan ko ng mga larawan na aangkop sa kung ano ang nilalaman ng akda ko. Hindi kasi uso dito ang mga animated images o yung mga ~*gif*~

Simple lang ang buhay dito sa blogspot. Kumbaga sa mapa, para kang nasa probinsya dito. Tahimik, maaliwalas ang  paligid, malamig ang simoy ng hangin, at malayo sa kabihasnan. Hindi uso dito ang mga typography, hater, promotion, reblog, online check, v-log, audio greetings, check blog, one liner at lahat ng iba pang kacheapan na galing sa kabilang baryo.

Walang lider lider dito. Walang famous. Walang royalties. Lahat dito walang pakialam sa followers, literal, dahil lahat ng tao dito nagbabasa at nagsusulat lang ng mga naisin nila. Okay lang dito kung walang tugtog sa bahay mo. Okay lang din kung walang spycamera na nagmomonitor kung sino-sino ang mga bumibisita sa bahay mo. Malayang kang nakakagalaw dito. Walang pupuna sa bawat pagkakamali mo. Walang nagmamarunong sa kung tama o mali ba ang grammar mo. Wala ring mag-aaksaya ng oras sayo dito na itama ang spelling mo. Dito hinahayaan kang matuto sa bawat pagkakamali mo. Dito sinasanay kang mabuhay at umunlad ng mag-isa bilang isang manunulat. Walang sino-sino na naghahari-harian dito.

Para sa pansarili kong opinyon, malaki ang pagkakaiba nito dun sa Maynila na sinubukan kong tirhan. Duon kasi, masyadong ng malaki ang populasyon, mausok, mabaho, madumi, maputik. Mahirap ang buhay dun. Isang kahig, isang tuka. Buti pa dito kahit papaano nakakaraos ang lahat ng tao. Magulo din ang buhay sa Maynila, sa bawat kanto may gulo, maski sa sarili mong bahay hindi ka ligtas. Titirahin ka ng mga tao dun sa kahit anong anggulo mo. Paharap, patalikod, patagilid at kung ano-ano pa. Parang Battle Royale ang eksena duon. Kailangan mong pumatay para mabuhay ka.

Sa kabilang banda, hindi ko rin naman maiwan ang bahay ko sa Maynila. Kahit mahirap, magulo, maingay eh aminado naman akong mas madami akong kapitbahay duon. Marami akong nakakaututang dila, yun nga lang mahirap kumilatis ng dila duon. Dito malayang akong nakakapaglakad lakad kahit gabi, malaya kong nailalabas ang mga gadgets ko ng walang pangambang ito'y mawawala sa aking mga kamay. Dito pwede kong iwang bukas ang aking bahay, pwede kong iwanang nakakalat ang mga pera ko sa kalsada. Dito ligtas. Dito payapa. Dito walang magtatangkang yumurak sa pagkatao mo.

Pero tulad ng bawat isla, lahat nadidiskubre. Lahat dinadayo. Lahat binabago. Sabi nila sa Maynila, tahimik daw duon dati hanggang sa dumugin na sila ng mga turista na hindi kayang magligpit ng sarili nilang kalat. Nakakalungkot na nakakatuwa dahil ang una kong naging baryo at tahanan naman ang dinadayo ng mga turista galing sa Maynila. Kumbaga mula sa pagiging virgin island eh magiging isa na itong tanyang na tourist spot. Sana lang, may disiplina ang lahat ng taong bibisita o magtatangkang dito na permanenteng manirahan o kahit na yung mga turistang nagbabalak lang magtayo ng isang rest house dito.

Sana matutunan nilang galangin ang mga kilos ng tao dito -- ang kultura, ang pamamalakad at ang buhay. Sana yakapin nila kung ano man ang meron dito at huwag ng baguhin pa. Sana hindi ito matulad sa Boracay na unti-unting nasisira dahil sa mga basurang kinakalat.