Monday, May 26, 2008

Left Behind =(

I was really not in my element to write on my blog. Pero parang may enerhiyang nagtutulak sakin para magsulat. Yung tipong isang malakas na kapangyarihang hindi mo mapigilan. Yung pakiramdam na gusto mong manlaban pero talo ka. Siguro dala na din ng lungkot na nararamdaman ko ngayon kaya parang gusto ko magsulat.

Lungkot. Lumbay. Lungkot. Lumbay.

Pag nararamdaman ko yan di ko maiwasan na mag isip. As in yung pinakamalalim na na naaabot ng utak ko sa pag iisip. Nalulungkot ako ngayon samantalang nagkakasakitan naman ng tiyan yung iba sa katatawa sa mga oras na ito. At natitiyak ko kasama na dun yung mga kaibigan kong nasa laguna ngayon na nagtatampisawan sa swimming pool. Debut kasi ng tropa ko ngayon at ako eto nasa bahay at nagsusulat ng blog. Oo tama kayo, naiwan ako.

Nag iisa.

Blah. Blah. Blah. Ala na akong maikwento dito. Basta ang alam ko hindi ako nakasama. Tae. Nakakalungkot talaga. Yung feeling na sana naghuhumiyaw ako sa pool ngayon dahil nalulunod sa kaharutan. Yung feeling na nakikipagsayawan ako sa kanila sa musika na night vision. Yung feeling na kinakain ko lahat ng handa nila na puro cholesterol. Yung feeling na nakaupo ako at nakikipagjamming sa tagay nila. Yung feeling na dapat na feeling ko sa mga sandaling ito pero hindi. Awts ng "infinite" times talaga. Parang tulad ng nasa kamay ko ngayon.

Sugat.

Bukod sa lungkot na nararamdaman ko ngayon eh nakakaramdam din ako ng hapdi sa aking mga kamay. Epekto ng aking kaabnormalan. Pinagalitan. Binulyawan. Pinag initan. Isang "amp" ang inukit ko gamit ang napakatalim na karayom sa aking kaliwang kamay kapalit ng lahat ng nararamdaman ko. Halo halong emosyon. Parang mga nagkaisang emosyon na ginulantang ang araw ko. At ang resulta, natalo ako laban sa mga potek na emosyon. Hindi ko sila kinaya. Masyadong malakas ang pwersa nila. Nag iisa lang ako. Tao lang ako. Natatalo.

Oo. Talo ako.

Panalo ang potek na emosyon.

No comments:

Post a Comment