Friday, August 6, 2010

Happy Birthday.


Supposedly, dapat masaya ako ngayon kasi birthday ko. 21 years old na ako. Debut ko. Pero halos hindi ko naman maramdaman.

Hindi ko alam kung paano ko maitatawid ang week na ito ng masaya. Grabe. Ang hirap.

Monday - Sakto lang. Wala akong pasok. Pero stress ako sa last two days ng departmental exams namen. Kinakabahan sa results.

Tuesday - Start of great depression. Result is on the board. Three major exams pero isa lang naipasa ko. Pero hindi naman ako nalungkot. Law lang naipasa ko. Yung auditing naman halos muntik ng maipasa. 74% lang ako dun. At ang pinakadelubyo kong result is yung exam ko sa Financial Management. Ang sarap isumpa. Nahihirapan na akong pumasa sa course ko. 65% ang passing rate sa mga major subjects ko. 75% naman sa mga integration or review subjects ko. Pag over 50 ang exam kelangan 33 ang score mo sa 65%. 38 naman pag sa 75%. Halos gusto ko ng
umuwi nung nakita ko score ko sa Financial Management. Super na down ako. Halos hindi nga ako ginanahan sa birthday celebration ko nun sa timog at west ave right after nung class.

Wednesday - Walang akong pasok. Binabangungot pa din ako ng score ko.

Thursday - Mas nawawalan ako ng gana dahil friday na kinabukasan.

Friday - Birthday ko. Pero nahihirapan akong mag smile. Maraming gagawin s araw na ito. First class is yung Financial Management. Hindi ko alam kung paano ako papasok sa subject na yan. Last class ko naman is yung Auditing Problems. May quiz naman ako dun. Galit pa yung prof namen samen.

Saturday - Tax subject ko naman. Integration time. Takot ako kung papasa ba ako sa 75% passing rate dun.

Sunday - Celebration ng birthday ko with the family. Sana maenjoy ko.

Eto. Nag aaral ako ngayon para sa exams bukas. Super stress out na talaga ako. Naprepressure na din ako in a way dahil sa mga relatives ko na umaasa sa graduation ko. Ang hirap dalhin ng expectations nila. Kaya super aral ako ngayon. Dahil na din ayaw ko ng maulit yung scor
e ko sa FM subject ko. Pero nahihirapan ako. Naiiyak na lang ako sa mga nangyayari. Konti nalang susuko na ako. Pero pinapatibay ako ng mga kaibigan ko na nasa paligid ko. Sana lang kayanin ko pa. Isang taon na lang naman. Kaso hindi ganun kadali bago matapos.

Buti nalang nainspire ako dun sa message saken ng isa sa mga ka-SC ko. Tama nga. Minsan mahirap maging malungkot dahil may mga taong gusto at sanay na nakikita kang masaya at tumatawa. :D
Huwag mong kalimutang maging masaya. -DK Ringon. (:

2 comments: