Sunday, July 11, 2010

Hey ! What's new?

i miss my blog. i need to renovate my site. medyo inaagiw na. haha. :|

Monday, March 1, 2010

Rising above every occassion.


"the quality of a true leader is reflected by the standards they set for themselves." "those who oppose activism lives with a false consciousness of reality." napapaiyak nalang ako sa tuwing naaalala ko ang mga linyang yan. ang mga linyang nagdala sakin sa walang kasing tamis na tagumpay. ang mga linyang nagpakilabot sa mga estudyanteng kinakampanyahan ko ng mga panahong iyon. nung una akala ko hindi ko kakayanin pero ngayon parang nakukuha ko na ang tamang ritmo. isang taon na pala mula ng masungkit ko ang pinakamataas na posisyon na tinakbuhan ko sa konseho. walang kasiguraduhan ang lahat kung ano ang kahihinatnan ng aking kandidatura nuon. pero sabi nga nila "success is counted sweetest for those who never win." tama. sakto. yan ang naramdaman ko ng mga panahong pinapasa na sakin ang titulong presidente ng aking kolehiyo. masarap. masaya. nakakapagod. yan ang mga eksena habang ikaw ay nakaupo sa konseho at naglilingkod. dito ko naranasang sumakit ng sobra ang ulo dahil sa mga kakulangan sa pondo at syempre sa matindihang pagdedesisyon. saktong tatlong araw na lang matatapos na ang termino ko sa pagiging presidente at bababa na ako sa aking posisyon. naging isyu man ang hindi ko na pagtakbong muli bilang presidente ng central student council sa ilalim ng aking alyansang tinig ng silangan party alliance. masaya namana ako dahil alam kong sa loob ng tatlong taon ko sa oposisyon naipakita ko sa kanila na malakas tlaga ang alyansa. gusto ko rin sabihin na ang hindi ko pagtakbo ulit ay hindi nangangahulugang iniwan at bumaliktad na ako sa alyansa. nasa inyo pa din ang katapatan at pinapangako kong ipagpapatuloy ko pa din ang mga idealismo ng ating alyansa. ang hindi ko pagtakbo ay hindi rin nangangahulugan ng paghina ng ating alyansa. naniniwala ako sa kakayahan ng ating alyansa at sa lahat ng kandidato sa ilalim ng ating pangalan. sa nagkakaisang tugon party alliance naman na siyang mahigpit na kalaban ng aking alyansa. nais ko lang sabihin na natutuwa ako dahil nakilala ko kayo at nakatrabaho kahit na magkaiba tayo ng idealismo sa paglilingkod. sa mga kapwa ko presidente na nagsilbing pundasyon ng konseho. ikinagagalak ng aking damdamin ang makilala at makapagtrabaho kasama nyo. kahit na ako lang sa ating lima ang galing sa kabilang partido. kay ate mayaine na una kong naging kagaanan ng loob. hindi ko makakalimutan yung mga panahong una tayong nagkita. ikaw kasi yung nagtetext nun nuong may mga president's meeting tayong lima. kay kuya fam dahil sya yung nakasama ko sa unang project ko bilang president ng BASC. kay ate fhay dahil sya yung tumulong samen sa last project namen sa BASC. pasensya na kung nasaktan ka dun sa sinisigaw ko sa SC. hehe at kay kuya bon na talaga namang nagturo saken ng buhay at kalakaran sa SC. ang umalalay at nagbibigay ng mga payo sakin sa kung ano ang dapat kong gawin. at sa lahat ng SC OFFICERS salamat dahil kayo yung nakasama ko sa loob ng isang taon. nawalan man ako ng oras sa mga kaklase ko,, natutuwa naman ako dahil sa kabilang banda kayo yung pumalit sa mga oras na hindi ko sila nakakasama. sa lahat ng bumoto sa akin at nagtiwala. at sa lahat ng mga estudyanteng sumali at nakiisa sa bawat aktibidad na ginagawa ng BASC. sa BASC na talagang nagtiwala sa kakayahan ko kahit na alam kong napapagalitan ko sila. gusto ko lang sabihin sa inyo na sana kahit sa maikling panahon nating nagsama sana naituring nyo talaga akong presidente. sana sa pag alis ko kahit papano ay may natutunan kayo mula sa aken. at syempre hindi magiging kumpleto ang buhay SC ko kung wala si roy dahil sya yung talagang nakagaanan ko ng loob. kasama ko sa lahat ng kulitan at trip ko sa buhay. ang nakasama ko sa puyatan at buong gabing kwentuhan. isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako naiilang sa SC. super naituring na kitang totoong kaibigan. kahit anong mangyare sana magkaibigan pa din tayo. yung regalo mong artwork saken na nakaframe hindi ko yun kakalimutan. gusto ko lang din sabihin sayo na super fan mo ako sa lahat ng designs mo. basta ikaw ang kukunin kong designer ng bahay namin. thank you sa lahat. kay marge.tin.bart.sean.darcey
.frank.brell,morris.princess at francis. salamat sa inyong lahat na tumulong na maging makulay ang napakagandang break na binigay sa akin ng diyos.

-alvin deniega, basc president <3

Friday, February 5, 2010

Heartaches

Actually, wala ako sa mood magsulat ngayon sa blog. Super stress at busy ko this past few weeks. Napakadaming pressures. Una, yung three activities ng college council ko. Syempre as their president I have to make all the necessary decision. And unang una na dun is yung fund na gagamitin to pursue the activities. Thank God, nakahanap ako ng business. Malaki talaga ang maitutulong ng pagbebenta ko ng university shirt sa pagsustain sa mga events namen kahit na on the other hand personal interest ko ang masasacrifice. Syempre sa halip na saken lahat ng kita eh kailangan ko pa magshare ng certain percentage sa sarili kong council na pinamumunuan. Sa March padin kasi mag eend ang term ko. Super dami ng estudyanteng bumibili. 515 total sales sa loob ng 4days. Super in demand. Super haggard na ako sa school. Everyday lagi ng may nakaabang na mga estudyante sa pintuan ng office namen to make orders and payments. Second, yung candidacy ko for the next election. Nakapagdecide na kasi talaga ako na hindi na talaga ako tatakbo next election kaso nagdadalawang isip ako lagi dahil sa expectation na binibigay sakin ng alyansa ko. Nung previous election kasi under my alliance I won the highest position sa council, the presidency slot. Super sweet talaga ng pagkapanalo ko dun under the opposition party. After ko manalo ako na yung naging standard bearer ng alyansa. Kaya mahirap para sakin na sabihin sa kanila na hindi na ako tatakbo. Three years na din kasi ako sa alliance. Three years of bitter sweet success. At nung wednesday nga formal na akong nagpaalam sa presidential slot candidacy for the CENTRAL council, which is the biggest form of council sa school, sa alyansa. Naiyak pa ako habang naglalakad palabas ng meeting area namen after ng conversation namen with the alliance. I know in a way marami talaga ang nag expect na ako ang lalaban sa next presidential slot even yung kalabang partido. They can't deny it. Alam kong ang buong alam nila is ako din ang tatakbo. In whatever cases, patuloy padin ang service ko sa alliance na naghulma at nagdala sa akin sa rurok ng tagumpay. Sana lang hindi nila isipin na ang hindi ko pagtakbo sa posisyon ay nangangahulugang tinatalikuran ko na sila. At alam ko namang hindi nila yun iisipin dahil malaki ang tiwala ko sa kanila gaya ng tiwalang binigay nila sakin. Alam kong malaki din ang epekto ng hindi ko pagtakbo sa alyansa sa darating na eleksyon. Ipinagdarasal ko nalang na sana positibo ang maging resulta ng lahat. Hindi din naman sa pagyayabang pero para kasing halos 85% ng alliance eh buhat buhat ko kaya naman pag umalis ako medyo malaki talaga ang ipagbabago lalo na ngayon na isa nalang ang matitira sa alyansa na tatakbo sa susunod na eleksyon na may karanasan na sa konseho. Basta ang sa akin lang, I will be forever loyal to my alliance, to the ideas, and principles na nagbuklod at nagdala sa akin sa kanilang alyansa.

Thursday, January 21, 2010

Repost. Candidacy Speech ko last Election.

"the quality of a true leader is reflected by the standards they set for themselves"
Im Jhon Alvin Deniega running for the presidency for B.A student council.

If ever na kame ang mauupo sa konseho, ang TINIG ng SILANGAN PARTY ALLIANCE, tatlong bagay lamang ang sinisugurado kong mangyayare:

1. Transparency-Transparency in terms of what? In terms of accounts. Ako bilang isang accounting major ay gusto ko hanggat maari na maaccount ang lahat ng pera na dumarating sa aking konseho. Para ang 30php na binabayaran nyu sa Student Council Fund ay mabigyan ng seguridad na mapaalam sa inyo kung saan napupunta ang mga ito. Dahil hindi kaila sa ating lahat na hindi naten nakikita ang mga gastos na nakukuha ng kasalukuyang konseho.

2. Accessibility-As much as possible gusto ko ay maging accessible aku lahat ng estudyante hindi lamang sa kolehiyong kinasasakupan ko. Isa lamang akong simpleng estudyante at pag ako ay naupo sa konseho walang magbabago. Nasa corriddor padin ako at nasa labas ng Unibersidad upang makasigurado na lahat ng suhestiyon ng mga mag aaral ay mabigyang aksyon.

3. Independency-As much as possible ayaw namen na maging idependent body ang konseho meaning ayaw namen na kame lamang ang nakakaalam ng mga bagay na nagyayare sa loob ng konseho. Gusto namen na mainvolve ang mga estudyante sa mga proyektong nais nila. Hanggat maari ayaw namen na samen magmula ang mga proyekto. Nais namen na sa mga estudyante mismo magsimula ang mga gusto nilang proyekto dahil sa unang punto sila ang makikinabang sa mga ito. Nandito lamang kame upang bigyang kilos ang inyong mga proyekto.

Both parties promotes change and no doubt about it. I think the only difference between TINIG and TUGON is that we, TINIG ng SILANGAN PARTY ALLIANCE, involve ourselves in the out of schools isssues. We don't limit ourselves sa mga bagay na alam nameng kaya pa nameng gawin.

And one thing I would like to clarify is that we are not "JUST" activist. In fact there is nothing wrong against activism for as long as you know for yourself what youre fighting for. Actually those who oppose activism lives with a false consciousness of reality. Let us try to react on the things that involves us. Wag nateng sanayin ang sarili nateng makinabang sa mga bagay na hindi naten pinaghirapan. Tayo mismo ay tumulong sa pagbababgong ninanais ng lahat.

This coming March 12 go out and vote because definitely your vote will make a difference. Again, please help us, all of us, lets revive the lost SAGA of TINIG ng SILANGAN PARTY ALLIANCE, lets make HISTORY ONCE AGAIN!

Muli ako po si Jhon Alvin Deniega tumatakbong Presidente ng Business Administration Student Council sa ilalim ng partidong TINIG ng SILANGAN.

[complete campaign speech ku. pinost ku to kase inde aku nakapagcampaign sa section naten ^^.. heheh ^^ sayang inde kayu nanuod ng meeting de avance]

Nirepost ko lang. Wala lang. Sinasariwa ko lang ang mga panahong nakamit ko ang walang kasingtamis na tagumpay. Malapit na naman ulit ang susunod na eleksyon. At ayun, nangangamoy POLITICS na naman. Haha. Next ko ipopost is yung winning speech ko. Weee. <3

Tuesday, January 12, 2010

Realization.

Trust.

Wala lang. Medyo hindi lang ako makatulog. Tinatawag kasi ako ng pagsusulat. Ayun. Medyo chillax lang naman ako ngayong oras na ito. Nakikinig lang naman ako 97.1 brangay ls. Maganda naman ang topic nila ngayon. May bago kasi silang segment. Educational naman. Swear. Madami akong natutunan within 5mins. pa lang until this time. Puro facts. Sakto nga eh. Puro stress ang topic nila. Marami pa lang effects pag stress ang tao like pwede kang bangungutin, mag sleepwalk, maggrind ng ngipin habang tulog atbp. Pero sakin iba ang effect ng stress.

Stress.

Super busy ang araw ko kanina. Ang dami kong meeting na pinuntahan. Lahat importante. Walang pwedeng iboycott. Nakakauta. Pero dahil president's meeting yung pinuntahan ko syempre may free food. Love it. So back to the topic. Takte. Nawala ako sa concentration. Ang gara kasi ng topic. May nagtanong kasi na kung bakit daw every madaling araw eh tumitigas ang "stylus" ng mga boys. According dun sa doctor na guest nila "it's natural." Reaction daw talaga yun ng hormones. Second. May biglang nahulog sa likod ko. Yung mga peebles. Bigla akong natakot at naisip ko si pareng Natac. Pero natawa na lang ako bigla. So back again to the topic. Dahil nga stress ako this day ang dami dami kong naisip. Like yung pinost ko sa Facebook. Naiisip ko kasi, honestly, some people are born users. Hindi ko alam kung bakit pero I'm sure marami ang mag aagree sakin. Secondly, naisip ko iba lang yung habol ng mga tao sakin. Proven and tested. I don't know why. Pero hindi ako magpapanggap na hindi ko alam kung ano lang ang habol sakin ng mga tao. Hinahayaan ko lang sila. Pero in a way nakakairita. Siguro dahil sa taas din ng standards ng nakakabit sa pangalan ko. I admit at hindi ako nagyayabang. Yung lang kasi yung mga bagay na pwede kong ipagmalaki. Mamatay na lang sila sa inggit. Third, nakakairita din yung ibang "friends" ko. Para kasing hindi sila nagtitiwala sakin. Tested. Confirmed. Sa harap ko pa. Face to face. Parang ganito lang kasi yun. Wala rin naman akong interes na malaman kung ano man ang sikreto na pinagbubulungan nila. Pero yung fact na nag uusap sila ng isang secret tapos wala naman silang balak ishare sa iba kasi daw maingay daw ako. I admit maingay akong tao but swear to their fcuking face I can keep hell damn fcuking secrets. Pero like what I said I can't blame them. Hindi rin naman kasi ako yung tipo ng tao na mahilig magshare ng mga problema at secrets. Nakakatampo lang in a way. Syempre. After all akala mo you're "friends" talaga. Pero we're still friends naman until now. Hindi ko lang alam kung pano ko sila pakikitunguhan in that aspect. Pero atleast kilala ko na sila. Siguro i just have to learn how to play the game. Minsan may mga bagay na hindi tama pero dapat ginagawa mo. Wala din naman akong balak maging super bayani kaya once in a while ayos lang gumanti. Hindi ko lang talaga lubos maisip kung bakit may mga ganoong klaseng tao. Siguro nga hindi natin maiiwasan. We should learn how to jive with them na lang siguro. Katulad nga ng paulit ulit kung sinasabi sa sarili ko na "this is life. this is my life. and i love how life treats me." Wala akong sinisisi sa lahat. Parang nakadepende na din kasi lahat sa tao. "On how they plan to play their game." It's up to them if they want to play it dirty or clean. Well ako I plan to bite them all. Rawrr. <3

Saturday, January 9, 2010

Someday it's gonna make sense.

Life comes in many shapes
You think you know what you got
Until it changes

And life will take you high and low
You gotta learn how to walk
And then which way to go

Every choice you make
When you're lost
Every step you take
Has it's cause

[Chorus:]
After you clear your eyes
You'll see the light
Somewhere in the darkness
After the rain has gone
You'll feel the sun comes
And though it seems your sorrow never ends
Someday it's gonna make sense

Tears you she'd are all the same
When you laughed 'till you cried
Or broken down in pain

All the hours you have spent in the past
Worrying about
A thing that didn't last
Find More lyrics at www.sweetslyrics.com

Everything you saw
Played a part
In everything you are
In your heart

[Chorus:]
After you clear your eyes
You'll see the light
Somewhere in the darkness
After the rain has gone
You'll feel the sun comes
And though it seems your sorrow never ends
Someday your gonna find the answers

To all the things you've become(and all day down)
At your expense
Someday it's gonna make sense

After the rain has gone
You feel the sun comes
And though it seems your sorrow never ends
Someday it's gonna make sense
After the rain has gone
You feel the sun comes
And though it seems your sorrow never ends
Someday it's gonna make sense

Thursday, January 7, 2010

Free Day.

Break Time.

Weekdays ngayon pero day off ako sa school. No classes.

Yehey.

Nakakatuwa din minsan yung mga ganitong eksena sa buhay ng isang estudyante. Saken isang malaking pabor pero sa iba isang malaking HUWATT?!? Gets nyo ba kung bakit ganun? .. Well, personally hindi ako affected ng kung ano mang unexpected suspension ng klase dahil weekly naman ang allowance ko. Walang mawawala sakin maliban nalang sa kaalamang dapat sana matututunan ko sa araw na ito. Haha. Honestly, in a way, meron din naman akong natututunan. Ayaw ko naman maging parasite sa lipunan. Pero sa kabilang banda meron namang mga estudyante na napapahuwatt pag may ganitong eksena dahil nga sa wala silang baon. Syempre alam ko din naman ang nararamdaman ng mga yan dahil dumaan din ako minsan dyan. Nandyan yung mga eksenang magdadasal ka na sana wag malaman ng magulang mo na wala kayong pasok, magdadahilan na late magstart ang klase para di mabisto na magmamall ka lang, magtetext sa mga superfriends at mag aayang mag inuman at kung ano ano pa.

Boring.

Minsan boring din kapag walang pasok. Walang magawa sa bahay. Hindi maiwasang mautusan. Pero ako masaya naman ako pag nasa bahay. Nandito kasi halos lahat ng kinalilibangan ko. Computer, Laptop, Music, Tv, Movie, Books etc. Masarap din kahit papano sa feeling. Nakakarelax. Nakakawala ng stress. Yung mga unexpected no classes kasi para sakin is eto yung mga way na nagbibigay sakin ng time para ienjoy ko naman yung sarili ko sa bahay kasama ang aking aso at pamilya. Haha. Madalas kasi pag sabado busy ako. Minsan kasi may training ako sa volleyball at praktis ng banda. Pag sunday naman nasa mall ako namamasyal. Pag weekdays naman busy ako sa school at sa council.. No time talaga para magpahinga. Kaya yung mga ganitong chances super sinusulit ko.

LIGO TIME. =)



It's Gonna Make Sense - Michael Learns To Rock (MLTR) Lyrics Mp3 Codes