Kung napadpad ka man sa pahinang ito, sarilihin mo nalang. Kung may nabasa ka man, sarilihin mo nalang. Kung ano man ang nakita mo, sarilihin mo nalang. Hindi ko sinasabing lahat ng salitang nandito ay totoo ngunit hindi ko rin naman sinasabi ang kasalungat nito. Ang akin lang, bahala ka kung alin dito ang paniniwalaan mo. At ang golden rule ko dito, wag mong ipagkakalat ang mga bahong nabasa mo.
Monday, November 9, 2009
Busy Bee
Back to school. Back to work.
Ngayon na lang pala ako ulit nakapagpost ng blog dito sa blogger ko. Nakakamiss din pala. Masyado kasi akong naging busy simula ng last post ko. Ayun. Madaming nangyari. Mahirap idikta lahat.
Politics.
Ayun. Ito ang isa sa mga nangyari sa buhay ko. Isa sa mga pinakamamalaking nangyari na nagpabago sa takbo ng karera ng buhay ko. Masaya at masarap pala maging presidente ng Student Council. Para kang isang superhero na may isang malakas na superpower. Para kang instant celebrity na may biglang babati sayo na hindi mo naman kilala. Nakakataba ng puso pero nung una ko lang yan naramdaman. Masakit din pala sa ulo ang may ganitong titulo sa pangalan. Nakakasira din ng schedule. Nakakasira ng kalusugan. At nakakasira ng buhay ... in a way. Ngayon 2nd semester marami pa akong dapat malaman. Mga bagay na madadala ko kahit saan. Last 4 months na lang bababa na ako sa pwesto ko. Gusto ko masulit ang aking termino. Gusto ko umalis ako na napaglingkuran ang lahat. =)
Home-coming.
Dumating na din ang papa ko nito lang Miyerkules. Masaya sa pakiramdam. May chocolates, pabango, pera at bagong laptop ako. Pero natural hindi yun ang dahilan kung bakit masaya ako. Simple lang naman ang mga nang .....
SAKA KO NALANG ITUTULOY. MAY IMPORTANTE LANG AKONG GAGAWIN.
Sunday, November 8, 2009
blank.
we play. we drink. together.
and he has his own.
he swim. she swim. i eat.
they play. i stay
and they dare. then i watch.
i walk. she walk. he stay.
we talk. he came.
then i go.
they sleep. and i take a bath.
i wake up. they're back.
we leave. i sigh.
he care. she care. i care for them.
he was happy. she was happy.
and i was happy for them.
<3
nakakatamad na tapusin.
Tuesday, January 13, 2009
NATION VOTES!
Anu gustu mong maging NATION ng AUGUSTDOWNFALL? |
pls vote pu ng honest! kung anu mananalo dyan yun ang NATIOn ng GUILD naten. Sa mga magleleave kapag inde nanalo ung gusto nilang nation mamimiss ko kayo! at sa mga inde susunod sa nation mamimiss ku din kayo! Strictly to be followed po to! GUYS! HAIZ! SUPER MAMIMISS KO KAYO! HANGGANG AUGUST 16 (friday) ang butohan.
-GM-
Thursday, July 3, 2008
It's been a very long time. =)
Blessings.
Sabi ng ibang tao blessing daw pag umulan sa birthday mo. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman kasi yumaman ang ate ko ngayon, walang nagregalo sa kanya ng kotse, walang tatlong milyong napulot at wala ring nanlibre sa kanya ng fishballs. Parang lumipas lang ang birthday nya ngayon pero ang importante marami kaming handa. Chibog. Botchog na naman. Hindi nga siguro literal na blessings ang tinutukoy sa sinasabi nilang blessings. Basta para saken blessing na yung isa pang edad na dumagdag satin kahit ibig sabihin pa nito ay tumatanda na tayo. Age doesn't matter naman eh. Daanin mu nalang sa looks ... kahit wala kang pera.
Perang naging bato pa.
Kahapon nagkaroon ako ng time para aliwin ang sarili ko. Magrelax. Magchill. Nagstarbucks ako kasama si Enrick. Nakasanayan na kasi namin yun. Pag boring kape lang ang solusyon. Nakakamangha talaga ang kape sa starbucks. Halos laging apat na oras kame kung tumambay dun. Kulang pa nga kung tutuusin kaso nakakahiya lang sa mga taong nag aantay sa mga taong aalis na para sila naman ang makaupo. Isang venti na Frappuccino is equals sa isang libong kwento at halakhakan. Oo. Puro kwentuhan lang ang ginagawa namen pag nandun kame halos lahat binabalikan naming kwentuhin. Ang masama lang eh hindi mo na mamamalayan na nauubos na pala ang laman ng wallet mo kakaorder ng mga pagkain. Malas. Kasing malas ng nangyare saken bago ako pumunta sa starbucks. Dumating na kasi ang sulat sakin ng GOOGLE. Sulat yun na naglalaman ng pin na itatype ko para makuha ko na yung kinikita kong pera dito sa pag iinternet blogging ko. Oo. Kumikita ako dito sa blogger. At sa bawat type ko at bawat basa mo nito eh yumayaman ako. Malaki ang kinikita ko dito kaso ala akong nakuha kahit isang dolyar. Teka dolyar nga pala ang kinikita ko dito. Bakit wala akong nakuha? Late na kasi dumating yung pin dapat bago mag July eh naencode ko na sya kaso July 2 na dumating dito yung sulat. Sakto. Badtrip. Kaya ayun uulit na naman ako ng account. Kamote. Mahirap pa naman bayaran yung tax. $10 ang tax at hindi yun ganun kadali kitain dito sa blogging. Dugot pawis kasama na uhog at luga.
Talaga kayang malas yun? o baka naman hindi lang talaga ako yayaman? .. hmmp
Saturday, June 14, 2008
Summer Assessment ^o^
"Akala mo lang wala pero meron meron meron." Merong ano? ..
Pasukan na sa lunes. Yan ang meron. Hindi ako naeexcite dahil alam kong hahanapin ko din naman ang bakasyon pag nararamdaman kong ang dami na namang exams. Hindi ko rin naman gustong magbakasyon pa dahil wala na akong pera pangsustento sa sarili kong luho. Normal lang ang feeling ko. Masaya din naman sa eskwelahan. Kasama mo na naman yung mga kaibigan mo. Mangangarag ka ulet. Magigising ng maaga pero hindi ka makakatulog ng maaga. Mangongopya at magpapanggap na busy para magmukhang sikat. Sa totoo lang, aminin na naten, baon lang ang habol naten sa pasukan. Pera. Allowance. KICKBACK.
Dalawang buwan lang ang bakasyon. Pero kung tutuusin dahilan na yun ng pagkapurol ng utak naten sa matagalang pagtengga sa bahay. Matagal para sa mga walang perang tulad ko. At mabilis para sa mga taong productive ang bakasyon. Hindi ko masasabing naging "House Boy" lang ako sa loob ng dalawang buwan. Teka. Baka mali ang naiisip nyo. Hindi nyo ako dapat purihin. Hindi ako naging masipag nitong bakasyon. Ala akong ginawang mabuti kundi ang magpasaway. Literal na house boy ang ibig kong sabihin. House=Bahay Boy=Lalaki. Lalaking Bahay. Couch Potato para sa mayayaman na tulad ko na rin. Hindi ko rin masasabing naging "Party Animal" ako ngayon bakasyon. Gitna ako. Parang playing safe. "It was not the best situation but definitely not the worst." Siguro may part din naging productive ang buhay bakasyon ko. Dahil sa mga ginawa kong productive na para saken.
- Ako lang naman ang nagsilbing hardinero ng bahay namen. Tinabas ko lang ng mga damo sa garden namen. Amp. Ok lang sana kung maliit lang. Eh hindi eh. Malaki sya. Promise.
- Binasa ko ulet ng 7 times ang libro ni Bob Ong.
- Inayos at pinaganda ko ang kwarto ko na dati eh parang mga alikabok ang nakatira.
- Nagsilbi din akong guwardiya ng bahay namen sa dapat aso ang gumagawa dahil lage akong naiiwan sa bahay pag umaalis sila. Hindi ko sila sinisisi. Dahil gusto ko rin naman. Basta may pasalubong na pizza pag uwe.
- Naging trainor ng aso namen na ngayon eh marunong ng makinig pag sasabihan mong umupo ka sa tabi ko, humiga, tumayo. tumuwad, maglakad, tumakbo at mga play dead. Pero hindi ko ata sya naturuan maging masipag. Dahil madalas lagi syang tinatamad.
- Gumawa ng mga bago at walang kwentang blogs dito sa blogger. Pero kumikita ng dolyar dolyar.
- Inayos at nirenovate ang BSACAS friendster at multiply account.
- Naging taga buhat ng mineral water na inoorder namen na napakabigat.
- Tinuruan ang sariling Ina na mag adik sa paglalaro ng yahoo games.
- Maglotion.
- Magpaputi.
- Gumawa ng mga bagong kanta at magrecord.
- Magpraktis ng banda.
- At utuin ang sarili tuwing gabi bago matulog na napakadami kong nagawang kapakipakinabang ngayon araw na dapat eh nuong 3 yrs old palang ako eh alam ko na.
- Higit sa lahat, pinakagusto kong ginawa ko ngayon bakasyon eh yung ako yung magloload sa mga nagpapaload samen dahil bigla bigla na lang akong nagiging politician pagkabigay ng bayad nila.
Ginutom ako sa haba ng sinulat ko dito. Kumaen muna ako ng Quake Bars. At may nireserba pa akong isa dahil tiyak ko na gugutumin parin ako. Naalala ko tuloy yung paborito kong Chocolate Bars dati na baon ko pa nuong elementary. Yung Whamos. Hindi ko alam kung buhay pa ba yun pero kung oo bibilin ko lahat ng supply nila. Kinalkal ko din habang kumakaen ako yung cellphone ko kanina. Nabasa ko naman yung isang kowts. Si inday. Ang sosyal na katulong. Kasabay ng pagsikat ng pelikulang caregiver eh sabay din naman ang pag usbong ng muling pagbabalik ng kwento ni Inday. Nakakatuwa. Naging caregiver na si Inday at sponsor ng Belo. Minsan naisip ko napaka kati talaga ng utak ng tao. Kung ano ano naiisip. May maimik lang.
Take time to realize.
Ala lang. Wala lang akong maisip na dapat isulat. Pero dahil may kinalaman din naman dyan ang sususnod kong isusulat kaya naisip ko na sya. Balik sa usapang productive. Ang sagot sa multiplication. Productive ako at ang bakasyon ko dahil hinayaan ko rin ang isip ko na marealize ang mga ilang bagay tulad ng.
- Kumaen pag nagugutom (Dahil nagugutom na naman ako)
- Na nauto lang kame ni Enrick dun sa Timezone na kung ano yung mas mabilis umikot 5 cents, 5php or 10php. Sayang sya sa pera. Dahil meron dung malaking parang bowl na kung saan papaikutin mo yung pera tapos titingnan mo kung alin mas mabilis umikot. Then late mo na marerealize na sa bandang huli eh mahuhulog lang din ang barya mo sa butas sa gitna dahil yun ang huling pagbabagsakan ng barya.
- Na may mga tao padin na sadyang makapal ang mukha na magsayaw sa World of Fun.
- Na mahirap magmall ng walang pera.
- Na nakakapagod agad sa paa na libutin ang 1st floor pa lang ng trinoma.
- Na masyadong mahal ang mga stuff toys sa animaland sa trinoma.
- Na wala palang gaanong tao sa mall pag araw ng kalayaan.
- Na wala ring jeep sa araw ng kalayaan.
- Na sagutin ang tawag ng kalikasan pag kelangan (dahil tawag ako ng banyo. Teka)
- Na mabilis pala ang epekto ng Quake Bars (kalalabas ko lang ng banyo. haha)
- Na masamang maging hobby ang katangahan.
- Na laging sa "na" nagsisimula lahat ng sinasabi ko.
- Mahal maging collection items ang mga havaianas.
- Mas marami pa ang mga nailabas kong pera ngayong bakasyon kesa sa mga nagawa kong mabuti.
- Sanhi ng puyat ko ang pakikinig sa kwelang talk to papa ng barangay LS 97.1 tuwing 12-2am
- May angking talento pala ako sa photography.
- Laos na si Jun Lozada.
- Kawawa si Ces Drilon.
- Masaya magsagot ng survey sa friendster.
- At hindi lahat ng nakilamay na fans ni Rudy Fernandez ay gusto syang makita dahil ang iba gusto lang maexpose sa camera para madiscover pero mas marami pa rin sa kanila ang gusto lang mag papicture kasama ng mga artista na naka japan pose pa.
Hmm.
Masyado ng marami akong nasulat at nasabi. Malamang tinamad ka na habang binabasa mo to. At malamang wala kang ginagawa ngayon kaya umabot ka hanggang dito sa binabasa mo ngayon. Pero sigurado hindi lahat nagtangkang tapusin ang kwento ko. Pero isa lang ang gusto kong sabihin sa inyong lahat na bumisita dito sa blog ko. Salamat dahil kumita na naman ako. May dolyar na naman ako.Sana tumaas ang palitan para yumaman na ako. Oh siya. Matulog ka na.
"Mataas man ang langit, Mababa man ang Lupa, Pag hindi ka nakita ako'y luluha" -motto ng caller ng talk to papa. Joy ata pangalan nya.
"Tubig is water, Love is a Teen Ager, Dinaan ko sa Love Letter." -motto padin to nung caller ng talk to papa. Si joy.
Natapos 12:30am
Monday, June 9, 2008
BIG winner =D
Simula.
Aber. Hindi na mahaba ang buhok ko ngayon. Bagong tabas. Kagabi lang. Ang haba ng pila sa mga salon kagabi hindi ko alam kung bakit sila nagpapagupit dahil kaya holiday ngayon at may lakad sila o hindi kaya'y dahil trip lang nilang magbawas ng kayamanan o baka naman dahil gusto lang nila akong makita? Ako iba ang dahilan ko kung bakit nagpagupit ako kagabi. Simple lang. Wala kasi akong pera at kelangan ko ng "kickback" Success naman ako sa maitim kong plano.160 pesos ang kinita ko kagabi dahil sa kasinungalingan.
White Lies.
Hindi ko sigurado kung yan ang tawag sa mga pagkakataong hindi mo gustong magsinungaling pero dapat mong gawin. Hindi naman ata kasama ang lying sa seven mortal at modern sins kaya ok lang. Pero lahat nga ng sobra masama kaya dapat hindi araw araw siguro every other day or twice a week lang ang accepted ng simbahan. Tae. Joke lang. Nagsisinungaling lang ako. Masama yan talaga at hindi dapat gawin kaya wag nyo akong tularan.
Dahil gusto kong maging idol.
Oo. Gusto kong maging idol sa iba. Yung tipong hahangaan ka nila. Pero hindi ko alam kung ano ang basehan para maging idol ng lahat. Hindi ko naman kayang gayahin si Rizal na kayang magpakamatay para sa bayan, hindi ko rin naman kayang pasanin ang krus para matubos ang lahat sa kasalanan, mahirap din naman magsauli ng limang milyong pisong naiwan ng iba lalo na kung gahaman ka talaga, at lalong mas mahirap maging idol hotdog katulad ng patalastas sa t.v dahil hindi ko trip ang maglinis ng subdivision namen buong araw. Ang kaya ko lang gawin para maging idol ay sumali sa big brother at maging big winner.
Big winner. Sana ako.
Inaamin ko na gusto kong sumikat. Makilala. Hindi ako plastik para sabihin kong hindi ko pinangarap na makita sa t.v. Sino ba namang ayaw diba kung bibigyan ka ng pagkakataon. Marami na akong napatunayan sa sarili ko para masabing kahit papano ay may narating na din ako sa buhay. Naging best in conduct ako nuong highschool na kahit alam kong pilit ata yung award na yun dahil sa class president ako ng room namen. Naging outsatanding officer nadin ako nuong graduation namen. Lumaban at nanalo na din ako sa declamation na sinalihan ko at third place ako. Sumali na din ako sa balagtasan, talumpating handa at di handa, balitaan. on the spot essay writng contest at essay writing contest na hindi on the spot. Ilan sa mga yan ay nakuha ko ang medalya. Hmm. Mukha na akong nagyayabang pero ayos lang may ipagyayabang naman. Siguro paminsan minsan kelangan ng tao na magyabang para ibuild up yung sarili. Yung tipong masasabi mo sa sarili mo na "hindi ako small type." Yung parang pag ibibid ka eh 10,000,000 agad ang starting offer sayo.
Tulala. Lala. Lala.
Para kasing bigla akong tinamad at nawalan ng sasabihin. Pero sana magkatotoo yung gusto ko para magbago naman yung takbo ng buhay ko. Para kasing tinawag ako ng kamera. Pero parang may pumipigil saken. Hindi ko alam kung ano yun. Pero nararamdaman ko na sumisigaw na sya. Darating na. Nagagalit at nagpupumiglas.
"Natatae na ako. Tae. Bye na muna."
Saturday, May 31, 2008
Minsan may Isang Puta =(
Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman sila bilang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kasi di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong hayok na foreigners ang namiyesta sa katawan ko, na-rape ako.
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Espanyol at Hapon. Kasi, ibang-iba talaga sya. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.Parating ang dami naming regalo - may chocolates, spam, blue seal na yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit.
Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Pero pakiramdam ko unti unti na akong nalolosyang.Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.
Putang Ina! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, malapit na akong malaspag.Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.
Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US at Europe. Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, marami rin sa mga anak ko na andito ang namamantala sa kabuhayan at kayamanan na itinatabi ko para sa kinabukasan naming lahat. Halos mahubaran na ako sa sobrang kasakiman ng aking mga anak. Ibinigay ko na ang lahat sa kanila, pero ninanakawan pa rin nila ako. Kaya dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay.
Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maging maginhawa lang ang mga anak ko.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang tulad ko.Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako.
Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa. Ni hindi nga yata ako kinikilalang ina. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taon na darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw:
"INA NINYO AKO! MAHALIN NIYO NAMAN AKO!”
Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
Ako nga pala si PILIPINAS.
PLEASE REPOST OR LINK THIS ARTICLE...Kailangan po talagang mabasa at maintindihan nating lahat ang pinagdadaanan ng Inang Bayan...and sana after reading this...wag sanang manatili sa ating mga mata lamang ang ating nabasa...we have to converge and organize something like a forum or anything na pwede tayo makapag usap usap and to formulate plan of actions....."TAYO ANG MGA ANAK NI INANG BAYAN..AT KAPAG WALA TAYONG GINAWA BAKA DI NATIN NA MAMALAYAN TAYO NA MISMO ANG BUMUBUGAW SA KANYA..."
Note.
By the way I just reposted it. It's not my work. I just read it in on one site and get it. Vey inspiring. Eye opener story.