Sunday, December 13, 2009

Unfinished.

Ito na siguro yung kaunaunahang pagkakataon na susulat ako sa blog ko ng may kakaibang istorya. Istoryang ni minsan sa buhay ko ay hindi ko naisip na posibleng mangyari. Nakakalungkot. Nakakapanibago. Nakaka BADTRIP.

Tarantado talaga ang buhay minsan pero sa mga ganitong eksena mo malalaman ang tunay na kulay ng ibang mga tao. Ilang beses ko ng nakitang masaya ang tropa, nag aasaran, nag gagaguhan, nag uululan at nag babadtripan. Pero nuong friday first time kong nakita ang tropang nagluluksa. Ni minsan hindi pumasok sa hinagap ko na dadarating sa puntong uuwi kaming lahat ng 4am galing sa lamay, na gigising na masakit ang katawan dahil sa puyat galing sa lamay at hindi sa kung saang inuman, na iiyak ng sama sama dahil sa kalungkutan at hindi dahil sa sobrang kasiyahan.


Sobrang naapektuhan ako sa pagkawala ng aming kaibigan. First time ko kasi mamatayan ng kaibigan. Hindi ko alam ang gagawin at ang tamang maramdaman. Mahirap pala talaga matanggap yung mga bagay na biglaan. Yung tipong kasama mo lang kagabi na nag bingo, kumaen ng burger at umuwi tapos pagkagising mo bukas malalaman mong patay na yung kanina lang kasama mo sa tawanan.

1 comment: