Saturday, November 14, 2009

Beyond the Borderlines.

It's a brand new day.

Yep. Brand new. Ito ang unang pagkakataon na nagsulat ako ng blog sa labas ng aking teritoryo. Natural, dahil ngayon lang ako nagkalaptop. Haha.

Discovering new things.

Wala talaga sa plano ko ngayong araw ang gumala. Ang mamasyal. Ang magliwaliw. At gumastos ng pera. Hindi ko alam pero parang may nagtulak sakin na lumabas ng bahay. Ayos na sana kaso may hassle pa. Dapat kasi pupunta ako sa condo ng kaibigan ko ang kaso badtrip umihi ang langit. Dyahe. Pinagpawisan ako sa bus. Traffic. Bumper to bumper sa Munoz. Isang oras din akong nakatanga sa bus. Nagsisi nga ako kung bakit pa ako umalis. Alam ko rin naman sa sarili ko na ala akong gagawin sa pupuntahan ko. Umuulan pa din ng makarating ako sa trinoma. Nagdesisyon na ako na huwag ng pumunta sa condo ng kaibigan ko. Naglibot libot na lang ako at bumili ng magazine ng twilight sa powerbooks. Tapos nagwindow shopping na din para makabili ng regalo pamasko. Nakakaurat maglakad sa mall lalo na kung wala kang pera.

Nandito na ako ngayon sa SM. Nagkakape. At tinitingnan ang batang nasa harap ko na nakatitig sa laptop ko. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya. Pero wala na akong pakialam. Siguro nagagandahan sya sa laptop. Haha. Tae. Hindi ako makapagconcentrate sa sinusulat ko. Sumasayaw kasi yung batang nasa harap ko. Naalala ko tuloy yung sinabe sakin ng kaibigan ko kanina. Sabe nya bakit daw ako lang mag isa ang aalis. Napaisip din ako. Bakit nga ba. Siguro dahil wala din talaga akong niyaya kasi for sure sasabihin nila na "Bakit libre ba?" o kaya naman "Wala akong pera eh." Minsan naiisip ko tuloy pati pala pagkakaibigan nabibili na din ng pera. Pero not most of the times. Minsan lang. MINSAN. Ang totoo, gusto ko din naman kasi na mag isa lang akong umaalis. Badtrip kasi minsan pag may kasama. Hindi mo magawa ang mga gusto mong gawin kasi may karaykaray ka. At isa pa mahirap maghanap ng mga taong may kaparehas mong interes. Ang original plan ko kasi ay pumunta sa gateway at manuod ng indie film. Bibihira lang naman ang mga taong may hilig din sa mga ganoong bagay. Para kasing ang dating BORING. Tulad ngayon naboboring na ako.

Masaya. Malaya. Realaxing. Independent.


Yan ang mga dahilan kung bakit gusto ko mag isa lang akong umaalis.

Opposite.

Akala ko mapapagod ako sa gagawin ko ngayong araw pero nakakatuwa pala. Hindi ko alam kung ano specifically yung nakakatuwa. Yung nagbloblog ako sa mall o yung batang sumasayaw sa harap ko na parang SHOWTIME ! =)

No comments:

Post a Comment